Chapter 12

1600 Words
Nakatingin ako sa pinto kung saan lumabas ang babae na kausap ko kanina. Galit na galit siya pero nakita ko na pinipigilan niya ang sarili na ipakita iyon sa akin. Pumikit ako para alalahanin ang mukha niya pero ang tanging naiwan sa alaala ko ay ang amoy niya. It was the same scent from that evening and same voice. Akala ko ay matatapos na ngayon ang lahat pero hindi pala. Kung sa tingin niya ay na insulto ko siya dahil sa sinabi ko tinapakan naman niya ang pride ko. Tinanggap na lang sana niya ang inaalok ko para natapos na ang lahat. "I underestimate her," sabi ko at huminga ng malalim saka sumandal sa upuan. "Axel, ano ang nangyari? Nakasalubong ko si Miss Mendoza sa hallway at mukhang galit na galit siya? Ano ba ang sinabi mo sa kanya? May ginawa ka ba sa kanya?" nagtataka na tanong ni Jay pagpasok ng opisina ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na tumawa ng dahil sa naging takbo ng pag-uusap namin kanina lang. Never pa ako naka-encounter ng babae na katulad niya. In fact, wala pang tao na tumanggi o kumontra sa akin ng ganoon. Mukha siyang inosente pero palaban at kakaiba siya. Inaasahan ko na magugulat siya sa inaalok ko dahil malaking halaga iyon pero ang tanggihan iyon ay ibang usapan na. "Bakit ka tumatawa?" naguguluhan na tanong niya nang makita na tumatawa ako. Pagpasok ko pa lang ng opisina kanina ay sumalubong na sa akin ang pamilyar na amoy. Nakatalikod siya sa akin at abala siya sa pagtingin sa labas kaya hindi niya namalayan ang pagdating ko. Humarap siya sa akin at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako. Nahiling ko na sana ay natandaan ko rin ang mukha niya katulad ng reaksyon niya. Pinagmamasdan ko ang mukha niya kahit na alam kong hindi ko iyon matatandaan. Habang nagsasalita siya ay naaalala ko ulit ang gabing na kasama ko siya kung paano niya pinagaan ang pakiramdam ko. Ang boses niya ang tanging kinapitan ko ng mga oras na akala ko katapusan ko na. Iyon ang nagbigay ng pag-asa sa akin para maligtas ako. Hindi na ako nag-paligoy pa at tinanong ko kung magkano ang kailangan niya. Nabanggit na sa akin kanina ni Jay ang pag-uusap nila kagabi. Sinabi niya na hindi siya humihingi ng kahit anong kapalit. Hindi ako kumbinsido sa mga sinabi niya dahil sigurado ako na magbabago ang desisyon niya once na marinig niya kung magkano ang ibibigay ko. Base sa mga nalaman ko tungkol sa kanya naniniwala ako na hindi niya matatangihan ang iaalok ko dahil malaki ang pangangailangan niya. Sa panahon ngayon lahat ng tao ay praktikal na at pera ang solusyon sa lahat ng problema. Nakita ko nagbago ang ekspresyon ng mukha niya nang banggitin ko ang tungkol sa pera. Ang maamo niyang mukha ay biglang naging matapang na tigre. Hindi ko inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon niya kaya naguluhan ako. Hindi ko nagustuhan ang pagtanggi niya dahil alam kong lahat ng tao ay may pangangailangan lalo na pagdating sa pinansyal. Sinubukan ko pa ngang dagdagan pero nanindigan siya na hindi iyon ang kailangan niya sa akin. "Hindi ba dapat ay matuwa siya sa ginawa ko? Hindi ba dapat magpasalamat na lang siya dahil malaki ang maitutulong ng halaga na iyon sa kanya? Baka naman mas gusto pa niya na taasan ko ang offer?" natatawa na tanong ko. "Ano ba talaga ang nangyari, Axel?" tanong ulit niya sa akin at tumingin ako sa kanya. Kinuwento ko sa kanya ang naging takbo ng pag-uusap namin ni Althea at nakita ko na umiiling siya katunayan na hindi siya sang-ayon sa nangyari. Para sa akin ay wala akong nakikitang masama sa ginawa ko. Naging totoo lang ako at kung tutuusin ay matutulungan ko pa nga siya. Niligtas niya ang buhay ko at dapat lang na bayaran ko siya sa ginawa niya sa akin. Bakit kailangan ko pa mag paligoy-ligoy kung iyon naman talaga ang pakay ko. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit ko siya pinahanap. Ang utang ay utang at higit sa lahat ayaw kong tumatanaw ng utang na loob. "Hindi naman sa pinakikialaman kita Axel sa desisyon mo pero sana hindi mo siya binigla. Sa palagay ko naman ay hindi siya ganoong klaseng tao. Katulad ng sinabi ko sa iyo hindi siya naghahangad ng kahit anong kapalit. Ilang beses niya iyon sinabi sa akin at nararamdaman ko naman na sincere siya. Tinulungan ka niya dahil iyon ang sa palagay niya na tamang gawin. Sana binigyan mo muna siya ng pagkakataon na kilalanin," sabi niya at umiling ako. Siguro nga ay nabigla siya dahil inalok ko agad siya ng pera pero hindi ako naniniwala na hindi siya interesado sa alok ko. Wala akong dahilan para kilalanin siya dahil ang tanging gusto ko ay bayaran siya para matahimik na ako. Iyon lang ang nakikita kong paraan para makalimutan ko na ang lahat. Sa ginawa niya ay mapipilitan ako na mas kilalanin nga siya para malaman ko kung paano ko siya mabayaran. Alam ko na may kailangan siya na pwede kong ibigay at iyon ang dapat kong alamin. "Lahat ng tao ay nagbabago lalo na kapag pera na ang usapan. Darating din ang araw na kakailanganin niya ng pera at kusa siyang babalik dito para kunin ang inaalok ko sa kanya. Base sa estado ng buhay niya ngayon wala siya sa posisyon para tumanggi sa alok ko," puno ng determinasyon na sabi ko. "Pero - " hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil tiningnan ko siya. "Wala pang taong tumanggi sa akin at hindi siya ang unang tao na gagawa noon sa akin," sabi ko at narinig ko na huminga siya ng malalim. Kung iniisip niya na titigil ako ay nagkamali siya dahil hanggang hindi niya tinatanggap ang alok ko ay mag-cross pa rin ang landas namin. Napangiti ako dahil ngayon lang ako na-challenge ng ganito. Gusto ko malaman kung sino sa amin ang unang susuko. Hindi ako ang tipo ng tao na basta na lang sumusuko at magpapatalo. "I don't take no for an answer. I'll do whatever it takes for her to accept my offer," bulong ko at napatingin ako kay Jay. "Don't look at me as if I'm obsessed with her," defensive na sabi ko nang mapansin na kakaiba ang tingin niya sa akin. "Are you really sure Axel, you’re just doing this to have a piece of mind? Do you really think by doing this you will eventually forget the past? Have you thought maybe there is something else you want from her?" makahulugan na tanong niya at umiiling ako dahil hindi ko gusto ang iniisip o sinasabi niya. "Yes, yes and a big no. There is nothing else I want from her. What could probably be that something?" tugon ko. "Okay, if you say so. I just want to warn you that what you want to happen will not be easy, especially with someone like her. I have a strong feeling that you are wrong about her," paalala niya at natawa lang ako. "Are you saying that I'm wrong?" tanong ko at nagkibit-balikat siya. "What if you are wrong? What will you do?" naghahamon na tanong niya at tiningnan ko siya ng maigi. "Let's see. If she turns out to be the person I think she is, you will not have any vacation for a year. I will also not approve your request for a salary increase," nakangiti na sabi ko. "But if you are wrong and I'm right, you will grant me three wishes," nakangiti na sabi naman niya at nakakunot ang noo nakatingin ako sa kanya. "It's a deal," puno ng kumpiyansa na sabi ko at nakangiti na tumango siya. "Call Atty. Aparte, I need to consult something and tell him it's urgent," utos ko at tumango lang siya bago umalis. Gusto kong matawa dahil willing siya mag-sacrifice para lang patunayan ang hinala niya. Ngayon lang niya nakilala ang babaeng iyon pero nakakasiguro na agad siya. Buo ang loob ko na tama ako at hindi ako matatalo sa kanya. Kinuha ko ang folder sa pinakahuling drawer ng table ko. Binuksan ko iyon at pinatong sa ibabaw ng lamesa ang mga picture na laman ng folder. Kinuha ko ang report tungkol sa family background niya at binasa ulit iyon. Nandoon ang mga information tungkol sa kalagayan ng pamilya niya. Iyon ang naging basehan ko kaya sigurado ako na kailangan niya ng pera. May sakit ang Ama niya at maliit pa ang mga kapatid niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya tanggapin ang binibigay ko. Sa hirap ng buhay ngayon dapat ay mas isipin niya kung paano siya matutulungan ng malaking halaga na iyon. Naiintindihan ko naman kung tanggapin niya ang alok ko dahil normal lang iyon. Sa panahon ngayon lahat ng tao ay praktikal na. Kailangan ko makausap ang attorney ko para kumunsulta sa kanya kung ano ang magandang gawin. Habang pinagmamasdan ko ang picture niya at ng pamilya niya ay naisip ko baguhin ang atake ko. Kung ayaw niya tanggapin ang pera siguro naman kung para sa pamilya niya ay magdadalawang-isip siya. Sa tingin ko siya ang klase ng tao na gagawin ang lahat para sa pamilya niya. Iyon ang gagamitin ko para tanggapin niya ang inaalok ko. Lahat ng transaction ko ay may kontrata at katulad ng iba kong transaction hindi ito naiiba. Para maka-sigurado na walang magiging problema kailangan ay may panghawakan ako. Mahirap na magtiwala lalo na kung may involve na Pera. “Let's see kung hanggang saan ka dadalhin ng pride mo,” sabi ko sa sarili habang nakatingin sa picture niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD