Chapter 13

1340 Words
"Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon!" gigil na sabi ko pagpasok ko ng elevator. Padabog na pinindot ko ang button at tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Huminga ako nang malalim at bumilang mula sampu pababa. Nakuyom ko ang kamay ko ng bigla ko maalala ang sarkastiko na ngiti niya. Gusto ko sumigaw pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayaw ko sana maapektuhan sa mga sinabi niya pero hindi ko mapigilan. "Ang sama niya para isipin na pera ang dahilan kung bakit ako pumunta rito. Akala mo kung sino kung makapagsalita. Kalahating milyon? Isang milyon? Nagpapatawa ba siya? Akala ba niya masisilaw ako sa ganoon lalaking halaga? Dahil ba mahirap ako at mayaman siya ay pwede na niya gawin sa akin 'yon. Ganun ba ka baba ang tingin niya sa mga tao sa paligid niya?" inis na bulong ko. Kulang ang salitang galit para ipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ba ako ng mga tao sa loob ng elevator. Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko pero mas nangingibabaw ang galit. Hindi ko na nga nagawang magpaliwanag at magpaalam kay Mr. Jay ng nakasalubong ko siya kanina. Tinanong niya ako kung ano ang nangyari at sinubukan na pigilan pero diretso lang ako sa paglalakad. Ang gusto ko lang ay umalis na agad sa lugar na ito. Para kasi akong bulkang na anytime ay sasabog dahil sa sobrang galit. Gusto ko sana bumalik sa loob ng opisina niya para sampalin siya o sigawan. Kung hindi ako nakapagpigil kanina baka nasabi ko na sana ay hindi ko na lang siya tinulungan. Nasaktan ako dahil iniisip niya na humihingi ako ng kapalit sa ginawa kong pagligtas sa kanya. Ngayon pa lang kami nagkakilala pero hinusgahan na agad niya ako. Ang tingin niya sa akin ay isang oprotunista at ang malala pa ay ininsulto niya ako. Kahit mahirap ang buhay never pumasok sa isip ko na tumanggap ng pera kahit kanino. Naniniwala kasi ako na lahat ng bagay sa mundo ay kailangan paghirapan. Gulat na gulat ako nang makita ko siya kanina dahil natatandaan ko siya mula sa party na pinuntahan ko. Hindi ako pwede magkamali dahil minsan ay naging laman siya ng panaginip ko. "Bakit ganoon ang sabi ni Mr. Jay hinahanap niya ako dahil gusto niya na magpasalamat. Bakit parang hindi naman iyon ang plano niya? Malinaw naman na sinabi ko sa kanya na gusto ko lang siya makita at makilala. Imposible naman na hindi sabihin ni Mr. Jay sa Boss niya ang napag-usapan namin," nagtataka na sabi ko sa sarili. Maya-maya lang ay bumukas na ang elevator. Lumabas na ang mga kasabay ko sa elevator at lumabas na rin ako. Nakatungo ako habang naglalakad sa lobby dahil ramdam ko ay nakatingin sa akin ang iba. Iniisip siguro nila na baliw ako dahil kinakausap ko ang sarili ko kanina. "Iyon ba ang paraan niya ng pasasalamat? Hindi ba tinuro sa kanya ng magulang niya o sa school ang salitang "thank you" o kaya "salamat". Mahirap ba bigkasin ang mga salitang iyon? Sobrang yabang niya!" inis na bulong ko. Totoong natutuwa ako na makita siya nasa magandang kalagayan. Kanina nga ay pasimple ko siyang tiningnan dahil hindi ko iyon nagawa noong gabing nakilala ko siya. Noong gabi na dinala ko siya sa hospital ay sinabi ng doctor na kritikal ang kalagayan niya dahil sa mga tinamo niya na mga sugat. Nagawa ko pa mag-donate ng dugo para sa operasyon niya at mabuti na lang pareho kami ng blood type. Hindi ko siya magawang iwan hanggang hindi pa dumadating ang tao na pinakontak niya sa akin. Sa sandaling iyon na kasama ko siya ay nakita ko ang sarili ko sa kanya noong panahon na iniwan ako ni Mama at Ate. Ramdam ko ang takot niya mula sa mahigpit na hawak niya sa kamay ko kaya hindi ko siya iniwan. Naguguluhan ako kanina kung bakit inaalok niya ako ng malaking halaga. "Ano ang akala niya sa akin mukha akong pera? Puwes, isaksak niya sa baga at balun-balunan niya ang pera na ipinagmamalaki niya. Sa kanya na ang pera niya dahil wala akong balak na tanggapin iyon kahit na iyon pa ang kahuli-hulihang option ko. Kaya ko pa magtrabaho kaya hindi ko kailangan ang pera niya," gigil na maktol ko bago tuluyang lumabas ng building. Bago ako tuluyang maglakad palayo sa building ay tiningnan ko muna iyon sa huling pagkakataon. Hindi ko inaasahan ang mga nangyari kanina malayong-malayo sa inaakala ko. Ito ang una at huling pagkakataon na makikipagkita ako sa kanya. "Hindi na ako babalik sa lugar na ito," sumpa ko at naglalakad na ako palayo. Hindi ko maiwasang magsisi sa desisyon ko na makipagkita sa taong inaakala ko ay gusto talaga ako makilala. Kung alam ko lang na ganito ang naghihintay sa akin ay hindi na sana ako pumunta. Hinayaan ko na lang sana na hindi kami magkakilala. May nakita akong convenience store at naisip ko na bumili ng ice cream para kumalma ako. Kapag nakakaramdam kasi ako ng stress o problema ice cream lang ang tanging nagpapakalma sa akin. "May mga ganun nga siguro na tao dahil sa estado nila sa buhay ay nagbabago sila. Ang taas ng tingin niya sa sarili at ang baba naman ang tingin niya sa mga katulad ko," malungkot na sabi ko habang kumakain ng ice cream. Hindi pa rin ako maka-move on kasi hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Ibang iba kasi ang na imagine ko na mangyayari kapag nakaharap ko na siya. Ang ineexpect ko ay normal na kumustahan at marinig ang pasasalamat niya. Iyon lang naman ang inaasahan ko mula sa kanya at wala ng iba. Iniisip ko kung may sinabi ba ako o pinakita na hindi maganda sa kanya para gawin niya ito sa akin. Naisip ko na ganito ba talaga siya o dahil wala siyang tiwala sa ibang tao. May kinalaman ba sa nangyari sa kanya kung bakit ganoon siya? Marami sigurong galit sa kanya at marami rin ang gustong manakit sa kanya. Pero hindi pa rin iyon dahilan para insultuhin niya ako. Maayos ako humarap sa kanya kaya sana maayos din ang pakikitungo niya sa akin. "Diyos ko po Lord, thank you lang hindi pa niya kayang sabihin. Iyon lang naman ang gusto kong marinig sa kanya pero how much talaga," sabi ko. "Mukha ba akong mahirap na mahirap para alukin niya ng pera? May nakasulat ba sa noo ko na desperado akong magkaroon ng pera?" tanong ko at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Wala naman akong masamang nakita sa repleksyon ko kung tutuusin ay nag-effort pa nga ako para lang magbigay ng magandang impresyon sa kanya. Nag-aalala pa nga ako kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako pero hindi na pala ako dapat nag-abala pa. Natawa ako ng maalala ko ang sinabi ni Nikka bago ako umalis ng bahay. Kung nakita lang niya ang nangyari kanina ay madi-dissapoint lang siya dahil taliwas sa iniisip niya ang nangyari. Naisip ko tuloy kung ano ang sasabihin ko sa kanya kapag nagtanong niya. "Sayang ang gwapo pa naman niya kaso ang sama ng ugali kaya hindi bale na lang. Aanhin mo ang gwapong mukha at ang maganda na tindigan kung ganun naman ang ugali," sabi ko sarili at huminga nang malalim. "Never ako magkakagusto sa katulad niya as in never, never at never talaga. Ang sarap niyang ipadukot sa mga Abu Sayaf. Kainis talaga siya," sabi ko habang umiiling. Kakalimutan ko ang araw na ito at iisipin ko na hindi ko siya nakilala. Magpapalit na agad ako ng numero dahil siguradong kokontakin ako ni Mr. Jay. Tumayo na ako at pumunta sa counter para magtanong kung may binebenta silang sim card. Hindi na ako nagdalawang isip pa at gad akong bumili. Nilipat ko muna lahat ng contacts sa phone bago tanggalin at palitan ang sim card ko. "Mamatay ka kahihintay pero hinding-hindi ako tatawag sa iyo. Sa iyo na ang pera mo," sabi ko at pinunit ko ang calling card na hawak ko bago itapon sa basurahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD