Chapter 14

1504 Words
"Hindi pa rin ba siya tumatawag?" tanong ko pagpasok ng office. Tinanggal ko na muna ang coat ko at niluwagan ang necktie bago ako umupo. Inabot ni Mr. Jay sa akin ang mga folder na kailangan kong pag-aralan at pirmahan. Napatigil ako bigla pagkatapos kong pirmahan ang dalawang folder at napatingin ako sa calendar nakapatong sa lamesa ko. Mahigit tatlong linggo na mula ng pumunta ang babaeng iyon dito sa opisina ko. Sa lumipas na mga araw ay hindi ako makapag-concentrate sa mga ginagawa ko. Katulad ngayon natigilan na naman ako dahil bigla ko na naman siya naalala. Kahit sa panaginip ko ay hindi rin siya maalis. Kung dati ay blurred ang mukha niya sa mga panaginip ko ngayon ay nakikita ko ng maliwanag ang imahe niya. Akala ko ay hindi ko na siya mapanaginipan pero mas naging madalas pa at hindi ko maipaliwanag kung bakit iyon nangyayari. Hindi ko man lubos matandaan ang mukha niya pero bigla na lang lumilitaw ang imahe niya sa isip ko. Stress and frustration ang naiisip ko na dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito sa akin. Hanggang ngayon kasi ay apektado pa rin ako sa ginawa niya at kung hahayaan ko na magpatuloy ito ay baka tuluyan na maapektuhan ang trabaho ko. "Hindi pa rin siya tumatawag, Axel. Sinubukan ko na rin siyang kontakin pero mukhang nagpalit na siya ng number," sagot niya at nakuyom ko ang isang palad ko. Habang lumilipas ang araw ay unti-unti na ako nakakaramdam ng inis dahil sa paghihintay ko. Ang lakas naman talaga ng loob nang babaeng iyon dahil tinanggihan niya ang alok ko at ngayon naman ay pinaghihintay niya ako. Abala ako sa maraming bagay pero kapag may pagkakataon ay tinatanong ko si Jay kung may update na. Sa tuwing sinasabi niya na wala pa ay nasisira na ang mood ko. Hindi ko inakala magmamatigas siya ng ganito katagal at magiging apektado ako ng ganito. "I never expected it would take this long but I know she will come by," sabi ko at ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Naniniwala pa rin ako na sooner or later ay tatawag siya para tanggapin ang inaalok kong kabayaran. Nakahanda na ang kasulatan na pinagawa ko at pirma na lang niya ang kailangan ko. Lifetime treatment para sa Ama niya na may sakit, educational plan para sa mga kapatid niya, negosyo para sa kanila at pagpapaayos ng bahay nila iyon ang mga nilalaman ng kasulatan. Naisip namin ni Atty. Aparte na kung para sa pamilya niya ay hindi na siya tatanggi. Kailangan ko lang habaan ang pasensya ko at maghintay. Hindi ako pwede matalo sa pustahan namin ni Jay dahil alam kong tama ako. "Paano pala Axel kung hindi talaga siya tumawag? Paano kung hindi siya interesado sa perang inaalok mo?" tanong niya at natigilan ako saka tumingin sa kanya. "Paano nga ba kung hindi? Paano kung panindigan nga niya ang pagmamatigas. Baka naman balak lang talaga niya ubusin ang pasensya ko. Pwede rin naman na gusto lang niya taasan ko ang halaga na inaalok ko sa kanya. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya," Sabi ko sa sarili. "Don't worry she will," puno ng kumpiyansa na sagot ko. Ako ang klase ng tao na gagawin ang lahat ng paraan para masunod ang gusto ko. Wala pa akong ginusto na hindi ko nakuha. Aside sa maikli ang pasensya ko hindi rin ako marunong sumuko. Buong buhay ko ay kinailangan ko patunayan ang sarili ko sa mga tao sa paligid ko. Ilang beses na ako nalinlang at naloko kaya hindi ko magawang magtiwala sa ibang tao. Isang malaking challenge para sa akin ang pagtanggi niya kaya naman hindi ko siya titigilan hanggang hindi niya tinatanggap ang kabayaran sa utang ko. "Axel, these are the reports from the Bataan project that you requested. Just want to remind you with the upcoming board meeting. Your father wants to discuss something with you before the board meeting. You also have an appointment this afternoon with the Japanese investors at the Executive Hotel. Site visit to Palmville Residence for final inspection after lunch," pagre-report niya. Naririnig ko ang mga sinabi niya pero wala roon ang attention ko. "Ganoon ba siya katigas para hindi tumawag? Baka naman naliliitan siya sa offer ko? Dapat siguro ay personal ko siyang puntahan para kausapin dahil baka nahihiya lang siyang magsabi." Sabi ko sa sarili ko habang nilalaro ang ballpen sa daliri ko. "Axel!" nakailang tawag sa akin ni Jay at napatingin ako sa kanya. "Yes!" sagot ko. "Okay ka lang ba? May problema ba?" tanong niya sa akin at tumango ako. "Yes I'm okay go on," sagot ko at nagpatuloy siya sa pagsasalita. Pinilit ko mag-focus sa meeting na pinuntahan ko. Mahalaga iyon hindi lang sa kumpanya pero para na rin sa akin. Malaki ang maitutulong ng mga investor para sa mga proyekto namin. Isa rin iyon paraan para mas makilala kami hindi lang sa Pilipinas pero pati na rin sa ibang bansa. Matagal ko na sila nililigawan at finally ay nasarado ko na ang deal sa kanila. "Jay, you can go now. Hindi na ako babalik ng office kaya pwede ka na umuwi para magpahinga. Bukas mo na lang ayusin ang contract para sa mga Japanese investor. Make sure na maasikaso sila sa pag-stay nila rito. If possible give them everything they want. Let us make their stay here worthwhile," bilin ko paglabas namin ng building at napatingin siya sa akin. "Okay Sir, drive safely. Call me if you need something," tugon niya at binigay niya sa akin ang susi. Kahit hindi nagtanong si Jay kung saan ako pupunta ay alam ko na alam na niya. Gusto ko lang naman makita kung saan siya nagtatrabaho. Curious ako kung paano siya kumikilos sa trabaho niya. Tama naman ang sinabi ni Jay pati na rin ni Atty. Aparte kailangan ko siya kilalanin para malaman ko kung ano ang kailangan niya. Habang nasa biyahe ay iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako. Pagkalipas ng ilang sandali ay nakarating na ako sa lugar kung saan siya nagtatrabaho. Hindi naman iyon kalayuan sa bar ni Patrick. Nahirapan ako makahanap ng parking dahil sa sobrang dami ng sasakyan at tao. Bago bumaba ay tumingin ako sa envelope nakapatong sa passenger seat. Nagdalawang isip ako kung dadalhin ko ba iyon o huwag na muna. Hindi ko pa naman siya kakausapin dahil gusto ko lang siya makita. "Why not nandito na rin naman ako," sabi ko saka ko dinampot ang envelope at lumabas nang sasakyan. Naglakad na ako papasok sa Bar at kung maraming tao sa labas ay mas marami naman sa loob. Malaki ang place, appealing ang interior ng lugar at cozy ang ambience. Nilibot ko ang tingin sa paligid para maghanap ng pwede ko upuan. Hindi katulad sa bar ni Patrick na halos babae ang customer dito naman ay halos mga kalalakihan. Napailing ako ng marealize ko ang isang bagay. Masyado akong naging compulsive sa desisyon ko na pumunta rito na hindi kasama si Jay. "Paano mo malalaman Axel kung sino sa kanila ang hinahanap mo?" inis na bulong ko bago ako huminga ng malalim. Ilang beses ko na nakita ang mukha niya sa panaginip ko pero hindi ko pa rin siya natatandaan. Kailangan ko pa tingnan ang picture niya para lang malaman na siya ang babae na hinahanap ko. Pero ngayon habang tumitingin ako sa paligid ay nakaramdam lang ako ng frustration dahil wala akong matandaan. "This is useless," frustrated na sabi ko habang pinagmamasdan ko ang mga waitress. Patayo na ako para sana umalis na pero natigilan ako ng may mahagip ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang t***k nang puso ko ng makita ko ang isang babae hindi kalayuan sa table ko. Pinagmasdan ko siya nang mabuti dahil tanging siya lang ang nakakuha ng atensyon ko. Hindi ako sigurado kung siya na nga ba ang hinahanap ko pero sa dami ng nakita kong babae ay sa kanya lang ako nagkaganito. Nagtataka tuloy ako kung bakit at hindi ko matukoy kung magandang senyales ba ito o masama. May dala siyang tray at papalapit siya sa isang table. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya at panoorin ang bawat kilos niya. Nilalagay niya ang laman ng tray sa table ng isang grupo ng kalalakihan. Nakakunot ang noo ko nang makita ko siya na ngumiti at ilang sandali lang ay tumatawa naman siya. Base sa nakikita ko ay masasabi ko na kilala niya ang mga ito. "Marunong naman pala siya ngumiti," wala sa loob na sabi ko. "Good evening Sir! Can I get your order?" nakangiti na sabi ng waitress na lumapit sa akin at tiningnan ko siya. "Miss, can I request Althea to get my order?" tanong ko. Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. Tiningnan niya ako at tumingin siya sa direksyon ng babae na tinutukoy ko na katatapos lang mag-serve. "No problem Sir," nakangiti na tugon niya at marahang tumango ako bago siya umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD