"Alam mo Thea ewan ko kung tama ba ang ginawa mo na pagtanggi sa inaalok niya o wrong move? Proud ako sa ginawa mo dahil pinakita mo na hindi ka after sa pera niya pero at the same time nakakapanghinayang naman. Sa panahon ngayon hindi biro ang kalahating million at lalo ang isang milyon Pinsan. Kahit magtrabaho ka ng isang taon hindi ka magkakaroon ng ganoon kalaking halaga. Alam naman natin na kailangan mo talaga ng pera para sa pagpapagamot mo kay Tito at para na rin sa mga kapatid mo. Higit sa lahat malaking tulong iyon para matapos mo na ang course mo," sabi ni Nikka habang kumakain kami ng almusal
Tatlong linggo na ang lumipas mula ng makilala ko siya. Pagdating ko mula sa trabaho ay tinanong agad ako ni Nikka tungkol sa pagkikita namin. Kitang-kita ko sa mukha niya ang excitement na marinig ang buong detalye. Ayaw ko na sana ipaalam pa sa kanya dahil ayaw ko rin alalahanin pa pero lahat ay sinasabi ko sa kanya. Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari ultimo sa pinakamaliit na detalye. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkadismaya. Tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala na iyon ang nangyari. Iba kasi ang inaasahan niya na mangyayari kaya ganun na lang reaksyon niya.
"Sabihin na nating malaki nga ang maitutulong noon sa akin at sa pamilya ko pero hindi naman iyon ang habol ko noong niligtas ko siya. Tinulungan ko siya nang walang hinihintay na kapalit at saka kaya ko naman gumawa ng paraan para kumita ng pera na pinagpaguran ko. Siguro nga maganda ang intensyon niya dahil gusto niya ako tulungan pero simpleng pasasalamat lang ang gusto ko marinig sa kanya. Lahat naman tayo ay may pangangailangan pero hindi pa ako umabot sa puntong tumanggap ako ng pera mula sa ibang tao," sabi ko.
"Imbes na matuwa siya sa pagkikita namin pinaramdam lang niya sa akin ang pagkakaiba ng estado namin sa buhay. Oo, mahirap ako at mayaman siya pero pareho naman kaming tao. Hindi naman niya kailangan ipaglandakan sa akin na mayaman siya at kaya niyang bayaran lahat," may hinanakit na dagdag ko.
"Paano kung magkita ulit kayo?" tanong niya.
Napatigil ako sa pagsubo dahil sa tanong niya. Napaisip ako sa posibilidad ng sinabi niya pero agad ako umiling.
"Sa tingin ko ay imposibleng mangyari iyon dahil base sa nakita ko hindi na siya mag-aaksaya ng panahon para hanapin pa ulit ako. At saka malinaw ko naman sinabi sa kanya na hindi ko tatanggapin ang alok niya. Malinaw naman siguro Sa kanya ang mga sinabi ko. Sa palagay ko rin ang mga ganun klaseng tao na mataas ang tingin sa sarili ay balewala lang ang mga nangyari. Ang hina ng kokote niya kung hindi niya na gets ang mensahe ko," sagot ko at nagkibit-balikat siya.
Kaya nga ako nagpalit agad ng simcard para hindi na nila ako makontak. Hindi naman sa inaasahan ko na kokontakin pa ako ng assistant niya pero mabuti na rin ang sigurado. Ilang araw na ang lumipas at laki ng pasasalamat ko dahil hindi ako pinuntahan ni Mr. Jay sa trabaho ko. Hindi naman siya mag-aksaya ng oras para puntahan ako sa trabaho ko.
"Pero aminin mo Thea, ang gwapo, hot at yummy niya," nakangiti na sabi niya habang sinisiko ako at itinirik ko lang ang mga mata ko.
"Kung ako siguro nasa posisyon mo hindi ko rin tatanggapin ang pera na inaalok niya," sabi niya at tumango-tango ako.
"Hihilingin ko na pakasalan niya ako at anakan ng isang dosena. Wala siyang maririnig na reklamo sa akin dahil willing na willing ako maging Ina ng mga anak niya," dugtong niya at muntik ko na mabuga ang iniinom ko na kape.
"Ewan ko sa iyo Nikka, para kang baliw. Kahit na para siyang modelo na ginupit sa isang men's magazine kung ganun naman ang ugali niya, Auto pass. Hindi ako magkakagusto sa isang lalaki na sumasamba sa pera at tingin sa lahat ng bagay o tao ay may pricetag," mataray na sabi ko at tiningnan niya ako.
"Sabi mo Thea ayaw mo sa mga judger pero bakit parang ganun ka rin. Isang beses mo pa lang siya nakita at kinausap pero hinusgahan mo na rin siya. Hindi mo ba naisip na baka may pinagdadaanan iyong tao o kaya naman ganun siya makipag-usap dahil na trauma na siya. Hindi mo pa rin siya lubos na kilala at wala kang alam sa buhay niya. Quits lang kayo dahil ininsulto ka niya at hinusgahan mo naman siya. Malay mo hindi talaga siya ganoon at parang defense mechanism lang niya iyon para protektahan niya ang sarili. If ever na magkita ulit kayo bigyan mo naman siya ng chance at huwag mo tarayan. Pakinggan mo muna ang explanation niya bakit ka niya inaalok ng pera," depense niya at tiningnan ko siya ng masama.
"Kailan ka pa naging Psychiatrist? Hindi mo nga siya personal na kilala pero kung ipagtanggol mo wagas. Ikaw pa nga itong galit na galit noong niligtas ko siya, hindi ba? Ang sabi mo pa nga baka masamang tao o kriminal siya kaya ganoon ang ginagawa sa kanya pero bakit ngayon parang anghel ang tingin mo sa kanya?" tanong ko sa kanya at huminga siya ng malalim saka umiling.
“Ang sa akin lang naman bigyan mo siya ng chance if ever na magkita o magusap kayo para naman marinig mo rin ung side niya. Malay mo naman gusto ka lang niya talaga tulungan dahil niligtas mo siya. Nagkataon lang na hindi maganda iyong approach niya kaya ganyan ang naging reaksyon mo,” sabi niya pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan.
Kahit ano pa ang sabihin niya ay hindi magbabago ang pagtingin ko sa lalaking iyon. Hindi iyon ang unang pagkakataon na may nag-alok ng pera sa akin. Sa ilang taon ko pagtatrabaho sa bar ay may natanggap ako na iba't ibang alok mula sa mga customer namin. Hindi naman ako naapektuhan sa mga sinabi nila at tinatawanan ko lang. Sa paglipas ng taon ay nasanay na ako pero iba ang impact sa akin sa ginawa ni Axel dahil nasaktan ako. Noong oras na inalok niya ako ramdam na ramdam ko na ang baba ng tingin niya sa akin. Kung ang iniisip niya ay sasamantalahin ko siya pagdating ng panahon dahil sa ginawa ko nagkakamali siya dahil hangga't maaari gusto ko na lang kalimutan ang lahat.
"Bakla, muntik ko ng makalimutan gusto mo ba ng raket?" tanong niya paglipas ng ilang minuto na katahimikan at tumango ako.
Sa narinig ko ay bigla akong sumigla na parang bata na pinakitaan ng maraming candy dahil abot tenga ang ngiti ko. Pagkatapos ng charity event ay wala pa ulit kaming raket ni Eduard dahil busy ang Banda nila. Naimbitahan kasi sila na tumugtog sa ibang lugar. Inalok niya ako na sumama sa kanila pero tinanggihan ko dahil may trabaho ako.
"Alam mo na ang sagot ko diyan sa tanong mo kaya sabihin mo na," nakangiti na sagot ko.
"Kaso Bakla medyo kailangan mong magpakita ng konting kaliskis. I mean, kailangan ay ilabas mo ang tinatago mong kagandahan," sabi niya at nakakunot ang noo ko dahil hindi ko ma gets ang sinasabi niya.
"Need kasi noong kakilala kong Car Dealer ng mga model para sa isang Car Show. Alam kong hindi mo linya ang ganitong raket pero nalaman kong malaki ang bigayan. Iyon naman ay kung gusto mo lang," sabi niya.
"Hay naku, ngayon pa ba ako mag-iinarte kailangan ko ng extra dahil magtu-tuition ang mga bata at wala ng gamot si Papa. Kulang pa ang naipon ko na pampadala sa kanila. Game ako basta ba legit na car show ang tinutukoy mo. Inform mo ako kung kailan para makapag paalam ako sa Boss ko," sabi ko at tumango siya.
Kung aasa lang ako sa sweldo ko ay hindi iyon magkasya kaya kailangan ko talaga mag-extra. Malaking bagay ang naitulong noon sa akin pati na rin sa pamilya ko. Hindi man madali pero kakayanin ko ang lahat para sa kanila.
“Ay iba rin willing magpakapagod pero ayaw tanggapin ang isang milyon. Deserve mo naman iyon kasi hindi biro ang ginawa mo na pagligtas sa buhay niya,” nakataas ang isang kilay na sabi niya.
“Gusto mo bang isoli ko na ang kandila?” nakataas ang isang kilay na tugon ko at tumawa siya ng malakas.
“Ano ka ba Thea, proud na proud nga ako sa ginawa mo dahil may prinsipyo ka at hindi ka basta-basta nasisilaw sa salapi,” bawi niya habang hinihimas ang balikat ko.
“Baliw ka talaga,” natatawa na sabi ko.