"Let's live together," sabi ko at nakita kong nagulat siya. "Ha?" tugon niya at hinaplos ko ang pisngi niya. "Mahal na mahal kita Althea at hindi pa ako naging ganito ka-sigurado sa buhay ko. Wala akong pakialam kung ano man ang mangyari sa atin sa hinaharap dahil ang alam ko ikaw lang ang babaeng gusto ko makasama ngayon. Gusto ko na ikaw ang una kong makita paggising ko sa umaga araw-araw. Hindi na ako sanay na wala ka sa tabi ko. Please, pumayag kang magsama na tayo. Ngayon na alam ni Papa ang tungkol sa atin alam kong hindi siya titigil. Gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan para paghiwalayin tayo kaya gusto ko na protektahan ka," paliwanag ko habang nakatingin siya sa mga mata ko. Iyon ang naisip kong paraan para protektahan ko siya laban kay Papa. Isa pa matagal ko na rin gusto s

