"Ate, sabi ni Papa ipasok mo na raw po si Kuya Axel kasi lasing na," sabi ni Aliaza at napalingon ako para tingnan siya. Kasalukuyan akong naglalagay ng ulam sa plato para ilabas sa mga bisita. Nagulat si Papa ng dumating kami kanina dahil hindi niya inaasahan na makakarating si Axel. Tuwang-tuwa siya na ipinakilala sa iba pa namin kamag-anak ang boyfriend ko. Hindi na lang niya binanggit na boss ko ang boyfriend ko dahil ayaw din niya na may masabi ang mga ito. Bago kami pumunta kanina ay dumaan muna kami sa isang bake shop para bumili ng cake. Marami rin bisita si Papa at nagulat ako dahil maraming handa. "Ako na bahala rito Thea puntahan mo na si Axel," sabi ni Tita Liza at nakangiti na tumango ako. Paglabas ko ay naabutan ko sina Papa nagkakatuwaan sa may kubo kung saan sila nag-ii

