"Mr. Jay, kindly finalized the schedule of site visit in Highland Golf and Country club with Mr. Salazar. We need to finish the layout for the clubhouse and other facilities," utos ko habang binabasa ang report. Kadarating ko lang kagabi at halos wala pa akong tulog pero kailangan ko pumasok dahil maraming trabaho ang naghihintay sa akin. Hindi pa ako dapat pabalik pero ng malaman ko na pupunta si Papa ay bumalik na ako. Originally ay siya naman talaga ang kausap ng investor na pinasa niya sa akin. Lately ay may kutob ako sa mga nangyayari pero hindi ko pa naman kumpirmado. "Okay Sir, how about the project in Cebu? The client would like you to be there for the site visit because of the changes he wants to discuss," sabi niya at huminga ako nang malamin. Nitong mga nakalipas na linggo ay

