"Wala ka na ba nakalimutan, Babe?" tanong ni Axel bago niya buhatin ang malaking kahon. Tumingin ako sa paligid para siguraduhing wala na akong naiwan na gamit. Hindi ko naman totally dinala lahat ng mga gamit ko. Wala rin balak si Nikka na tumanggap ng ibang makakasama at sinabi niya na iiwan niyang bakante ang kwarto ko kahit anong mangyari. Nangako naman ako sa kanya na bisitahin ko siya. Masaya siya ng sabihin ko na pumayag ako na magsama na kami ni Axel pero nalungkot din siya dahil ibig sabihin ay kailangan namin maghiwalay. Ilang taon din kasi kami magkasama sa bahay at sanay na sanay na kami sa isa't isa. Sa loob ng mga taon na magkasama kami ay naging sandigan namin ang isa't isa sa hirap at saya. Kahit ako ay nalulungkot din dahil iba pa rin kapag nasa isang bahay lang kami. Iba

