"Kailan pala ang balik ni Axel?" tanong ni Nikka habang naglagay ako ng mga plato sa lamesa. "Hindi pa sigurado kung babalik na siya bukas," tugon ko at umupo na siya pagkatapos ilagay ang ulam. Ilang linggo na ako nakatira sa bahay niya at sa bawat araw na kasama ko siya ay mas lalong lumalalim ang relasyon namin. Hindi ko na nga ma-imagine ang araw ko na hindi ko siya kasama. Buong akala ko ay kilala ko na siya sa ilang buwan namin pero mas nakilala ko siya ng magsama na kami. Nakakatuwa dahil mas nararamdaman ko ang pagmamahal at pagpapahalaga niya sa akin. Masaya ako na pagsilbihan siya at asikasuhin. Nakita ko rin ang effort niya na pasayahin ako kahit na sa maliit na paraan. Nalulungkot ako sa bahay dahil mag-isa lang ako kaya naisipan ko na bisitahin si Nikka. "Desidido ka na ba

