"Can you stay again tonight?" tanong ni Axel habang kumakain kami ng lunch. Magkatulong kaming naglilinis ng kwarto niya pagkatapos namin sabay na maligo. Ako na ang nagluto ng lunch namin dahil may kailangan siya kausapin. Hindi na ako kumontra dahil pina-cancel na nga niya ang mga meeting niya para magkasama kami ngayon. Habang nagluluto ay sinalang ko na sa washing machine ang mga damit ko para masuot ko ulit mamaya sinama ko na rin ang ibang damit niya. Medyo naasiwa ako dahil t-shirt at boxer short lang ang suot ko pero wala naman akong ibang choice. "Baka po nakakalimutan mo may work na po tayo bukas at saka magaling ka na," sagot ko pagkatapos ko uminom ng tubig. Napatingin ako sa kanya nang higitin niya papalapit ang bangko ko sa pwesto niya. Gusto ko man mag-stay pa para makasa

