"From now on no more secrets between us. Don't think that I don't trust you but I just want to know where you are because I'm always worried about you," bulong ni Axel bago niya ako hinalikan sa ulo. Napatingin ako sa kanya at hinaplos ko ang pisngi niya saka siya tumingin sa akin. Ito ang unang beses na may nangyari sa amin at hinding-hindi ako nagsisisi. Ilang oras na ang lumipas mula ng pinagsaluhan namin isang mainit na tagpo at pahupa pa lang ang init na bumabalot sa buong katawan ko. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya at ramdam ko na unti-unti ng bumalik sa normal ang t***k ng puso niya pati na rin ang paghinga niya. Mahal na mahal ko siya at pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Hindi man siya ang unang lalaki na umangkin sa katawan ko pero gusto ko na siya na ang

