Hello!" bati ko pagkarating sa restaurant kung saan kami mag-uusap ni Eduard. Nagkatinginan kaming dalawa at hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya katulad ng ginagawa ko dati. Habang papunta ako ay hindi mawala ang kaba sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap niya ngayon na alam ko na hindi lang basta kaibigan ang tingin niya sa akin. Niyakap ko siya para mabawasan ang tensyon sa pagitan namin at tinugon naman niya. Kung noon ay hindi ako nakakaramdam ng ilang sa kanya pero ngayon ay iba na. Ilang ulit ko sinabi sa sarili ko na siya pa rin ang kaibigan nakilala ko noon. "Hi! Umorder na ako ng pagkain dahil alam kong gutom ka na pagdating mo," nakangiti na sabi niya at nakangiti na tumango ako. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung naiilang pa ba ako sa mga oras na ito

