"Kumusta, Bakla?" tanong ni Nikka habang kumakain kami ng almusal. Kahapon ay nagpaalam ako kay Axel na kakausapin ko si Carlo. Ramdam ko ang alinlangan niya na payagan ako pero ipinaliwanag ko sa kanya na kailangan ko iyon gawin dahil ayaw ko na umasa si Carlo. Ayaw ko rin kasi na magkaroon pa kami ng misunderstanding sa susunod. "Okay naman dahil nakahinga na ako ngayon ng maluwag. Syempre tinanong niya kung ano ang dahilan at kung ano ang pwede niya gawin. Tinanggap naman niya ang mga sinabi ko na hanggang kaibigan lang ang pwede ko maibigay sa kanya. " nakangiti na tugon ko. "Kumusta naman ang boyfriend mo na ubod ng seloso?" tanong niya at natawa ako. Naikwento ko kasi sa kanya ang reaksyon ni Axel nang makita niya ako kasama si Carlo sa hallway. Pagbalik ko kasi sa table ko ay n

