PRESENT DAY "So you're telling me that Chase is that Sisi from 20 years ago?" Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula kay Mama. "Kaya ba ayaw niyo si Chase para sa akin noon? Kasi nalaman niyo ni Papa na si Chase at si Sisi ay iisa? Bakit hindi mo sinabi, Ma? Deserve ko malaman 'yun! Hanggang kailan niyo balak itago sa akin? Hanggang kailan niyo ako hahayaang tanungin ang sarili ko kung saan ako nagkulang? Ma, naman! Hindi na ako bata! Ito lang naman 'yung lagi kong hinihiling sa inyo ni Papa, e. 'Yung maging tapat kayo sa 'kin. 'Yun lang 'yung hinihiling ko sa inyo, Ma." Kahit si Mama ay umiiyak na rin ngayon sa harapan ko dahil sa mga pangyayari. Sinong mag-aakala na matapos ang sampung tao, babalik at babalik din pala ako sa ganitong sitwasyon. 'Yung dahilan kung bakit ako pum

