Tatlong araw na ang nakalipas pero hindi pa rin nagigising si Caylus. Sabi ng Doctor, maaari raw na dahil ito sa malakas na pagtama ng ulo ni Caylus nang nangyari ang banggaan kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Ako lang ang tao ngayon dito dahil umuwi na muna ang Papa ni Caylus sa kanila upang magpahinga at kumuha ng mga damit na magagamit niya rito pagkabalik niya. Ngayon ko lamang binuksan ang cellphone ko magmula nung patayin ko ito. I don't want to communicate with them. They straight up lied in front of me. That's just infuriating. I don't how am I supposed to react. Maybe they lied for my own sake. Maybe they lied to keep my peace. But in any way possible, they should have just told me the truth. Kaibigan ko sila. Alam nilang mas gusto ko ang totoo kaysa sa pag

