"Kadiri ka naman! Anong only hope sinasabi mo d'yan, manahimik!" Sambit ko at umalis sa pagkakayakap dahil naiilang na ako. Been there, done that. "Joke lang, asa ka naman. Alam ko namang pogi ako pero 'wag mo naman masyadong ipahalata sa 'kin na nahihiya ka sa 'kin dahil crush mo 'ko. It's me lang," mayabang na anas niya habang tumataas pa ang kilay. "Kapal mo. Tara, libre kita lunch sa cafeteria! Dalian mo bago pa magbago isipan ko 'te." "Weh? True ba? Ako na lang manlilibre! Ako naman! Think of it as my pa-blowout. Tara na," pag-aaya niya sa akin at nilahad ang mga kamay niya. Tangina, ano ba 'tong ginagawa niya? Hindi ako tanga at mas lalong hindi ako manhid. "Bahala ka d'yan! Kaya ko maglakad mag-isa!" Sambit ko at nauna na lumabas ng rooftop. Hindi ko na talaga kinakaya ang mga

