"Ano naman ang naisipan mo at inaya mo akong mag-commute. Aware ka naman pala na hindi pa ako nakaka-try ng ibang transportation services bukod sa taxi. Gusto mo lang yata ako mapahiya, e." Nandito kami ngayon ni Caylus sa waiting shed sa labas ng subdivision namin habang nagaantay ng masasakyan. Ang dami kasing arte, e. Pwede naman sa sasakyan ko na lang. Kung talagang mapilit siya, e 'di sana siya na lang nag-drive. Kainis. "Wala lang. Para naman ma-experience mo 'yung mga ganitong bagay. Ilang taon ka na hindi ka pa rin nakakasakay sa jeep. Ano 'yun? Parang tanga lang?" Na-realize ko na sa buong buhay ko ay hindi pa nga ako nakakasakay ng jeep. E, sa lumaki ako na taong sasakyan, e. Bata pa lang ako sa sasakyan na nila Mama ako sumasakay. Hindi rin naman ako nakapag-commute dahil hel

