*** Kanina pa naghihinalo si Aria, wala siyang laban sa tatlo. Sobrang lakas ng mga kalaban at tanging nag-iisa lamang siya, halos hindi na mamukhaan ang mukha niya dahil sa pasa na natamo niya. Nahihirapan na siyang tumayo, may tama siya sa tagiliran at paa pero hindi parin siya sumuko. Alam niyang hindi niya maliligtas ang sarili, pero lalaban parin siya ng p*****n para sa pamilya niya. May sugat din naman ang tatlo pero hindi gaanong malala tulad ng sakan'ya, tawa lang siya ng tawa habang sobrang seryoso naman ng tatlo. "Akala ko kaibigan ko na kayo eh, tangina lang!" tumawa muli siya, mahigpit niyang hinawakan ang baril na nasa gilid niya, hindi alam ng tatlo na may baril pa siyang tinatago kaya't kampante pa siyang lumaban. Pero sa loob-looban niya, nasasaktan siya dahil hindi

