Cont... "Saan ka pupunta? Hindi mo ba sasamahan si Triton sa loob?" tanong ni Kino nang akma na sana akong lalabas. "May pupuntahan lang ako." walang emosyon kong sabi 'saka mabilis na tumalikod. Hindi ko na siya hinintay na sumagot, agad akong lumabas at tinungo ang sasakyan sa parking lot. Walang lingon-lingon ko itong pinaadar papunta sa parking lot ng kompanya ni Triton. I know he's still there waiting for me, napaka walang hiya niya talaga. Hindi ko siya mapapatawad! Triton got stabbed, at agad kong nalaman kung sino ang may gawa dahil sa markang nakatapik malapit sa tagiliran ni Triton. Kapag may pinatay sila nilalagyan nila ng marka ang taong iyon simbolo ng kanilang groupo. They think sila na ang pinakamalakas na clan sa mundo but they're wrong, hindi pa nga nila alam na may m

