Chapter 69 SAMARA Ito ang pangalawang linggo mula ng magising si Ashton. Palabas na siya ng Ospital pero dito ko na sila sa bahay pinatuloy tutal marami namang kwarto dito. Magastos kasi kung sa hotel pa sila mananatili bukod sa walang mag-aalala kay Ashton kung doon pa sila mag-stay. “Ara, wala ka bang Cayenne Pepper dito?” sigaw ni Dustin na kanina pang abala sa kusina. Kanina pa ito hindi magkandaugaga sa kakahanap ng kung ano-ano sa kusina ko. Iniisip kasi nilang bigyan ng Welcome Back party para kay Ashton dahil ngayon ang labas nito sa ospital. Idagdag pa na second-month din ni Ashley ngayon kaya ang Ninong at Ninang niyang bida-bida ay gagawa daw sila ng party para sa dalawa. Mabuti na lang at wala dito si Dino dahil siguradong magseselos na naman ito sa kalandian ng fiancee

