Chapter 70 MARUPOK? Ano nga ba ang batayan ng pagiging marupok? Ang laging pagbigay sa taong mahal mo kahit ilang beses ka na niyang sinaktan. Iyon ba ang marupok? Eh ‘di ako na ang napakarupok na babae. Matatanggihan ko ba ang isang bagay na mismong katawan ko na ang unang sumusuko? Kapag gusto mo daw ang isang tao mahirap panindigan ang isang bagay na alam mo din namang gusto mo. Aminado ako na isa ako sa samahan ng mga babaeng marurupok at mabilis na bumibigay sa mga kaunting haplos at halik lang. May magagawa ba ako kung masarap ang s*x? At kung masarap talaga si Lex? Pero syempre hindi ko iyon sasabihin sa kanya. Lalo na at alam kong ikakalaki ng ulo niya. Napapikit ako ng biglang bumukas ang kurtinang nasa paanan ko dahil para sumabog ang liwanag na nagmu

