PRINCE LEO POV. "Bakit hindi mo sinabi sa akin! Pati si Elaine dinamay mo!"dugtong ni Jared. "Wala kaming relasyon ni Elaine,lahat ng mga sinabi ni Elaine tungkol sa amin ay hindi totoo,"mahinang wika ko. Mahina natawa si Jared nakapameywang itong nakatayo. "Talaga! Bakit nakita ko kayo naghahalikan sa bahay ko noong dalhin kita roon,"singhal ni Jared. Natahimik ako at napatingin kay Sabrina at muli nag salita si Jared. "Hindi ka makasagot!!"sigaw ni Jared. "Dahil galit ako kay Sabrina!!"sigaw ko rito. "Galit na galit ako Jared at alam mo 'yon!!"dugtong ko. "Pero ngayon gusto ko na siya makasama pati na ng anak niya. Jared hindi ko naisip na muli ko pa pala makakasama si Sabrina,"dugtong ko'ng muli. "Sino nag sabi sayo pwede mo isama si Sabrina!"wika ni Alex at dahan-dahan luma

