Nang magising ako ay wala si Sab pati si Andrei sa tabi ko,binalingan ko ang phone ko na malamang kanina pa nag ri-ring at sinagot. "Puta**in* m* Leo! Ibalik mo sa akin si Sabrina. Asawa ko siya!"singhal sa linya. Magulo ang buhok habang tanging boxer brief ang suot bumangon ako ng kama. "Sino 'to?"wala sa sarili kong sambit sa linya dahil sa antok. "Anong sino 'to! Gusto mo talaga ng gulo Leo,ibibigay ko sayo!"singhal nito sa linya at agad din pinatay. Pilit ko minulat ang mga mata at nag suot ng bathrobe,pababa ako ng hagdan at may bahagyang naamoy. Naglakad ako papuntang kusina at nakita ang sunog at nangingitim na kawali. Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig ng makita iyon,mabilis ko nilapitan at akmang aalisin ngunit nalimutan gumamit ng Pathholder at napadaing ng malakas sa sa

