CHAPTER 11

2131 Words
"Nakakatulong ako sa pamilya ko kahit hindi ako nakapag-tapos ng pag-aaral,hindi mo ako kailangan turuan Sabrina,"mataas na tono ng boses na sagot nito at napatitig ako. "Sinasabi ko lang naman at wala naman akong masamang ibig-sabihin doon,"kunot noong turan ko. "Meron,Sabrina. At wag mo sa'kin ipamukha kung ano lang ako sa mansyon n'yo,"sagot nito. "Kung ganun,edi sige,"inis na wika ko at nag alis ng atensyon rito. Hindi kami nag kibuan ni Leo hanggang sa nakarating sa mansyon at bago bumaba ng sasakyan ay nag salita ako. "Iniisip ko lang ang relasyon natin,kung ikaw hindi napapagod kakatago pwes ako pagod na,"wika ko at bumaba ng sasakyan at padabog na sinara ang pinto ng sasakyan. Nang makapasok ay nasalubong ko si Elaine at hindi pinansin ito,deretso ako umakyat patungo sa kwarto ko. Nahihirapan na ako,gusto ko lang naman maging malaya na kami ni Leo pero hindi magiging madali iyon kung mananatili s'yang hardinero namin rito mansyon. Mahabang sabi ko sa isipan ko. PRINCE LEO POV. Ginarahe ko ang sasakyan at bumaba,nang pamansin ko ang nakatingin na si Elaine. Tinapunan ko ito ng tingin at hindi na pinansin pa ngunit tinawag ako nito. "Leo,"mahinang tawag sa'kin nito at nilingon ko ito. "I mean,Kuya Leo. Can be friends again,"saad nito at dahan-dahan tumango ako. "Thank you,anyway. Gusto ko sana matuto mag gitara,can you teach me,"wika nito. "Hapon na Senyorita,bukas na lang,"tipid na sagot ko. "Sige,"tipid na sagot nito akmang tatalikuran na ako ngunit nakita kong pumasok ang itim na sports car at niluwa iyon si Sir,Alex. "Kuya Alex,you here,"wika ni Elaine at humalik ito sa pisngi nito. "Where's Sabrina?"tanong nito. "Kararating lang. Nasa loob,"wika ni Elaine. Tinapunan ako ng tingin ni Alex bago pumasok sa loob ng mansyon,doon nag kuyom ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ako magtitimpi para kay Sabrina,pero hangga't kaya ko ay mag titiis ako hanggang sa magkaroon na ng lakas ng loob kami ni Sabrina ipaglaban ang pag iibigan namin. Habang palabas ng malaking gate ng mansyon ay iniisip ko si Sabrina,doon ay bigla ko tinawag si Elaine habang papasok ito sa loob ng mansyon. "Se...Senyorita!"tawag ko rito at lumingon ito. "Kukunin ko lang 'yung gitara ko,hintayin mo ako d'yan,"wika ko at nag madali umalis at kinuha ang gitara sa bahay. Nang bumalik ay pumasok kami sa mansyon at nakita kong katabi ni Sabrina si Alex. Napatingin ang mga ito sa amin ni Elaine habang paupo sa kabilang bahagi ng sofa. "Nandito ka na naman,"baling ni Alex sa akin. "Ma...may problema ba?"nag tatakang sabat ni Elaine. "Ayoko makita ang pagmumukha ng hardinero n'yo na 'yan,"turan ni Alex. Tahimik na nakatingin ako rito at binalingan si Sabrina na wala ang atensyon. Dahan-dahan ako tumayo at akmang aalis pero hinawakan ni Elaine ang kamay ko at nag salita na kina bigla ko. "Doon na lang tayo sa kwarto,"wika nito sa akin at kunot noo napatingin si Sabrina. Hindi ako agad nakatanggi at hinila paakyat ng hagdan patungo sa kwarto nito. Hindi dapat ako pumayag sa gusto ni Elaine,babae s'ya at lalaki ako hindi dapat kami mag kasama sa isang kwarto ng kami lang. Pumasok si Elaine sa kwarto nito habang nakatayo lamang ako sa pinto,nang mapansin ni Elaine na ayoko pumasok ay binalingan ako nito. "Don't worry,hindi ko na uulitin ang ginawa ko noon,"wika nito at kinuha ang gitara sa akin. Doon nag simula na akong turuan mag gitara si Elaine pero makalipas ang isang oras ay malakas na bumukas ang pinto na kinagulat namin ni Elaine. Nabigla ako nang mabilis lumapit sa akin si Sabrina at malakas akong sinampal sa pisngi. "Anong balak mo?! Bakit narito ka sa kwarto ni Elaine,"galit na singhal sa akin ni Sabrina. "Ate nagpapaturo lang ako kay Kuya Leo mag gitara,"mahinang sabat ni Elaine. "Shutt up!"baling na sigaw ni Sabrina kay Elaine. "Alam mong magagalit ako pero bakit mo ginawa!"dugtong na singhal nito. Hindi ako nakasagot rito at dahan-dahan na lamang lumabas ng kwarto ni Elaine,nakasalubong ko rin sa labas ng pinto si Alex na matalim ang tingin sa akin ngunit hindi ko pinansin at nag patuloy na lamang sa paglalakad palabas ng mansyon. SABRINA POV. Walang pag aalinlangan na pinasok ko sa kwarto si Elaine at Leo,gusto ko kumalma pero tila sasabog ako kapag hindi ko nagawa ang gusto ko. Matapos sampalin si Leo ay hindi nakasagot si Leo sa akin at dahan-dahan na lamang lumabas ng kwarto. Binalingan ko ng masamang tingin si Elaine at nag salita. "Wala ka na bang natitirang hiya sa sarili mo at sa kwarto mo pa bintbit si Leo,"sikmat ko rito. "Magpapaturo lang naman ako mag gitara at gusto ko makuha ang loob n'ya,"sagot nito. "You are f*****g crazy,Elaine,"singhal ko. "Gusto ko s'ya,hindi pa ba malinaw,"saan nito. Gusto ko lang naman sumaya muli,Ate."dugtong pa nito. "Shutt up Elaine,"singhal ko bago mabilis lumabas ng kwarto. Nag pakuha ako ng alak kay Manang Lucy at mabilis nilagok iyon,saglit ko pinakalma ang sarili ko. Sunod-sunod ako uminom ng alak sa babasagin na bote,nahihirapan na ako itago ang nararamdaman ko. Hindi ko na kaya Leo,wika ko sa isipan ko habang mugto ang mga mata. Nakauwi na rin si Alex at pasado alas-dyes na ng gabi,matapos ko mag lasing ay hindi pa rin ako nakatulog at bumangon at lumabas ng mansyon. Naglakad ako papunta sa bahay ni Leo,nabungaran ko ito sa labas ng bahay nila habang umiinom at may hawak na gitara. Tumayo ito nang makita ako at dahan-dahan lumapit sa akin. Mabilis ko pinag hahampas ito sa dibdib. "Nakakainis ka! Nahihirapan na ako Leo! Ayoko ng ganito!"wika ko habang lumuluha at agad naman ako niyakap nito at mahinang nagsalita. "Ang gusto ko lang naman bantayan ka kay Alex,hindi ko naman sinasadya Sab,"mahinang turan nito habang yakap ako. Maya-maya ay nag angat ako ng mukha at mabilis ako hinagkan ni Leo,ilang minuto kami nag halikan hanggang sa hilahin ako nito papunta sa masukal na lugar at mapuno. Madilim at tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw. Nagmamadali nitong hinubad ang polo shirt nito at pati ang suot kong underwear mula sa mahabang bestida na suot ko. Maya-maya ay sinampay nito ang hita ko sa braso nito at dinikit ng husto sa katawan nito. Nakakapit ang dalawang kamay ko sa leeg nito at napaungol sa init na dala ni Leo,habang nakasandal sa malaking puno ng mangga. Sunod-sunod ang pag bayo nito sa harapan ko hanggang sa mapahiga na kami sa lupa. Nag patuloy ito at hindi alintana ang mga lupa na dumikit sa mga braso nito at likuran ko. Nag uunahan kami ni Leo maabot ang init na dulot ng isa't isa,walang patid ito sa pag galaw sa ibabaw ko hanggang sa mag igting ang panga ni Leo at dahan-dahan nanghina sa ibabaw ko. Bumangon kami mula sa pagkahiga at pinagpagan ni Leo ang ma lupa sa likuran ko. Nagmamadaling inayos ang sarili namin at lumabas mula sa masukal na lugar. Nang makalabas ay nabungaran kong nakatayo si Elaine sa harap ko,nakasunod naman si Leo sa akin habang ngayon ay sinusot pa ang polo shirt nito. Nagkatitigan kami ni Elaine,at mahina ito nag salita. "Ano 'yung nakita ko,"mahinang turan ni Elaine. "Na..nakita mo kami?"nauutal na sagot ko. "Kaya pala galit na galit ka sa akin,dahil may relasyon kayo,"sikmat ni Elaine at umalis sa harap ko,hinabol ko ito hanggang makarating sa mansyon. "Elaine!"tawag ko rito at galit na nilingon ako nito. "Nagagalit ka sa akin dahil pinapasok ko sa kwarto ko si Leo,sinabihan mo pa akong ng masasakit na salita. Samantalang ikaw naman pala ang gumagawa ng nakakahiya sa ating dalawa!"mahabang sikmat ni Elaine sa akin. "Nakikiusap ako,wala kang pag sasabihan ng tungkol sa amin."Pakiusap ko. "At bakit? Nahihiya ka!"singhal ni Elaine. "Hindi Elaine,"wika ko. "Mahal ko si Leo,"dugtong ko. "Kung mahal mo talaga s'ya,hindi mo s'ya itatago,"madiin na sagot ni Elaine at mabilis umalis sa harap ko. Umiiyak na iniwan ako ni Elaine,maya-maya ay natigilan ako at lumingon sa likuran ko. Nakita ko ang mapupungay na mga mata ni Leo,malungkot ang mukha nito at dahan-dahan tumalikod at tahimik naglalakad palabas ng mansyon. Tahimik na naglalakad ako nakasunod kay Leo,yakap ko ang sarili dahil sa lamig ng hangin. Nang natapat sa bahay nina Leo ay nakita ako ni Leo at natigilan ito. Dahan-dahan ito lumapit sa akin at mahinang ako nagsalita. "Gusto ko na sumama sayo,Leo. Lumayo na tayo,"wika ko na ikina ngiti ni Leo at niyakap ako ng mahigpit. Habang yakap ako ni Leo ay nakaramdam ako ng pagkahilo hanggang sa tuluyan ako nawalan ng malay. "Sab,Sabrina!"gising ni Leo sa akin matapos mawalan ng malay. Nang magising ako at nag mulat ng mata,doon una ko nakita ang mukha ng lalaking mahal ko. "Leo,"mahinang wika ko. "Sab,kamusta ang pakiramdam mo?"agad na taong ni Leo sa akin at ngumiti ako. "Nahilo lang ako kanina pero 'wag ka mag alala at maayos na ako ngayon,"mahabang wika ko rito. Bumangon ako at nilibot ang mga mata sa kabuuan ng kwarto. "Nasaan ako?"tanong ko. "Dinala kita sa kwarto ko,"sagot nito at pumasok sa loob ng kwarto si Manang Lili. "Senyorita,humigop ka muna ng mainit na sabaw,"baling ng ina ni Leo sa akin. "Salamat po,Tita,"sagot ko at napatingin ito kay Leo. "Sumama ka sa'kin,mag usap tayo,"baling nito kay Leo. Hinalikan ako ni Leo sa noo at naiwan sa kwarto,kinuha ko ang nasa babasagin na mangkok ng sabaw at hinigop ito. Muli binalingan ang kwarto ni Leo. Ganito pala ang pakiramdam kapag nakapasok ka sa kwarto ng boyfriend mo ang gaan sa pakiramdam,mahabang sabi ko sa isipan ko.Maya-maya ay bumalik na si Leo at parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha nito. "Bakit?"nag aalala na tanong ko. Sandali ito hindi nakasagot at nasa baba lamang ang tingin. "Bakit hindi ka sumasagot d'yan,"tanong ko. "Sinabi ko na kay Nanay ang tungkol sa ating dalawa,"wika nito at napatitig ako rito. "Gusto n'yang tigilan kita bago malaman ng Daddy mo ang relasyon natin,"dugtong nito. "A.. anong sagot mo?"saad ko. Sandali ito natagalan sumagot at pinagmasdan ang mukha ko. "Sinabi kong mahal kita,kaya't ilalaban kita Sabrina,"turan ni Leo na nagpapangiti sa akin. Maya-maya ay niyaya ako lumabas ng kwarto ni Leo,nang makalabas ay pinaupo ako nito sa hapag kainan kaharap ng ina at ama nito. Bakas sa mukha ng magulang ni Leo ang pag aalala sa kaniya nang malaman ng mga ito ang ugnayan namin. Hindi ako tinitignan ng mga ito at tuloy lamang sa pag aagahan ngunit maya-maya ay sumalo ang tatlong anak ng Kuya ni Leo at ang hipag ni Leo na si Olivia. Nakatingin lamang ako habang nagkakagulo ang tatlong pamangkin ni Leo,maingay ang mga ito at nag aagawan pa sa upuan. Natigil ito nang sigawan ito ni Manang Lili,ang ina ni Leo. "Ano ba kayong tatlo! Hindi n'yo ba nakikita na may bisita tayo,"saway ni Manang Lucy sa mga apo nito. "Olivia! Ano ka ba naman,ang mga anak mo turuan mo ng magandang asal. Nasa hapag kainan tayo pero para tayong nasa palengke,"mahabang dugtong pa ng ina ni Leo. "O…opo Nay,"sagot ni Olivia. Maya-maya ay binalingan ko ang Kuya ni Leo na ama ng mga bata,abala ito sa pag aalmusal at tila hindi napansin ang na sumalo sa agahan ang mag ina nito. "Sab,kumain ka na,"mahinang turan ni Leo sa akin at ngumiti at tumango. Palihim na hinawakan ni Leo ang kamay ko at lihim ako napangiti,pinagmasdan ko ang mukha ni Leo habang matamis na nakangiti sa akin. Ang mga ngiti n'ya ang lalong nagpapakabog ng dibdib ko,minasdan ko rin ang makapal na pilikmata at kilay nito na bagay sa kulay niyang moreno. Mamula-mula rin ang labi nito at matipuno ang katawan dahilan para mahumaling ako ng husto rito. "Baka matunaw ako sa titig mo,"wika nito at may pilyong ngiti. Ngumiti ako at sinagot ito. "Hindi ka kasi nakakasawang tignan,"mahinang turan ko. "In love ka na naman niyan,"mahinang wika nito na nag pabigla sa akin. "Ang yabang nito batukan kita d'yan,eh"turan ko at tipid ito tumawa. Napatigil kami ni Leo sa pag uusap nang makitang nakatingin sa amin ang ina ni Leo,bigla ako makaramdam ng hiya sa ina ni Leo ngunit kiniliti ako ni Leo sa bewang dahilan ng maingay na pag tili ko. "Sorry Tita,"maagap ko na saad at tinapik sa braso si Leo. "Kumain ka lang,Senyorita Sabrina,"turan ng ina ni Leo. "Sabrina na lamang po ang itawag ninyo sa akin,"nakangiting wika ko. "Nakakahiya naman po sa inyo Senyorita,"muling saad ng ina ni Leo. "Kumain ka ng kumain Senyorita,"sabat ni Leo at sinamaan ko ito ng tingin. "Senyorita,wala ka bang photoshoot ngayon?"dugtong na tanong nito. "'Wag mo ako tawagin na ganyan Leo,"inis na mahinang saad ko rito at natawa ito. Mahina ito natawa dahil sa pang aasar sa akin,binalingan ko ng tingin ang hipag nitong si Olivia habang abala sa pagpapakain ng mga anak nito. Doon lihim ako napangiti,iniisip ko na magkakaroon ako ng tatlong anak kay Leo at masaya kaming bubuo ng pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD