Matapos ng agahan ay nakita kong hindi magkandaugaga si Olivia sa pag aasikaso ng mga anak nito kaya't binalingan ko ito at tinulungan.
"Tulungan na kita d'yan,"wika ko rito habang binibihisan ang mga anak.
"'Wag na po Senyorita,okay lang po."Pagtanggi nito.
"Hindi okay lang,para naman kapag may anak na kami ni Leo ay marunong na ako mag asikaso ng magiging anak namin,"nakangiting turan ko.
Natigilan ito at tila nabigla sa sinabi ko.
"A..anong sabi mo Senyorita,kayo ni Leo ay.."Hindi na natapos nito ang sasabihin nang sumabat ako.
"Shh..kung maari wag mo muna ipagsabi,hinahanda pa kasi namin ang sarili namin ni Leo sa pwedeng mangyari,"turan ko rito.
Tahimik ito at nakatitig lamang sa akin,ngumiti ako rito at mahina ito sumagot. "Se..Senyorita Sabrina.Ma...may relasyon kayo ni Leo,"nauutal na wika nito.
"Oo,Olivia. Matagal na kami ni Leo,"sagot ko.
Habang dinadamitan ang anak ni Olivia ay bumungad sa harap namin si Elaine,hinihingal ito mabilis pumasok sa bahay nina Leo.
"Ate,Alex is here and want to see you,"hingal na saad ni Elaine.
Agad ako nag paalam kay Leo upang umuwi na sa mansyon,bahagyang hindi kami nag kikibuan ni Elaine ngunit dama ko na sa akin ang tiwala nito. Nang makapasok naabutan ko si Daddy katabi si Leo at tahimik na nag uusap. Bumaling ang mga ito sa akin nang makita ako.
"Oh,god sweetie. Where have you been,Manang Lucy told me na hindi ka natulog sa kwarto mo kagabi,"bungad na saad ni Daddy sa akin.
"I'm glad that you are here now, Sabrina,"Sabat ni Alex.
"I would like to let you know that I have already signed the contract for my investment in your Daddy's company, so it means we need to hurry up our marriage as soon as possible,"mahabang dugtong nito.
"Dad,anong pinagsasabi nito?"baling ko kay Daddy.
"Don't be surprised sweetie, that's where Alex and you are going. I will prepare your wedding and I am sure you will be happy with the man I have chosen for you,"mahabang turan ni Daddy.
Mapakla ako natawa at seryoso sumagot.
"No way,over my dead body,"mariin kong sagot.
"'Wag mo ako suwayin,Sabrina. I know what is best for you,"turan ni Daddy.
"Ayoko!"tipid na sagot ko at umalis sa harap ng mga ito.
Pumasok ako sa kwarto ko at padabog sinara ito,hindi ako mapi-pilit sa gusto ni Daddy. Ayoko matulad sa Kuya ko na ipinakasal n'ya para sa benefits ng kompanya n'ya. Hinding hindi,mahabang wika ko sa isipan ko.
Habang tahimik na nakatingin mula sa veranda ay muli ako nakaramdam ng hilo. Doon tumungo ako sa kama at nahiga,nakatulog ako at nang magising ay hinahanap ng mga mata ko si Leo. Bumangon ako at nagpunta sa Veranda,tahimik na ang mansyon at tingin ko ay dis oras na ng gabi. Habang naka tanaw sa Veranda ay nabigla ako sa hininga na hangin mula sa likuran ng batok ko. Nang humarap ay nakita ko si Leo at pilyong ngumiti ito sa akin.
"Paano ka na ka pasok rito?"nagtatakang tanong ko.
"Simple lang,dati gawi,"turan nito,at mabilis nagtagpo ang mga labi namin ni Leo hanggang sa makarating kami sa kama.
Masayang masaya ako kay Leo,mahal na mahal ko si Leo at hindi ko kakayanin kapag nawala s'ya sa buhay ko.
Muli kami nagtalik ni Leo sa kwarto,ang tahimik na kwarto ko ay nabalot ng ungol ko nakakasira ng ulo si Leo at hindi ko nakilala ang sarili ko. Matapos magtalik ay isang puting kumot ang nakabalot sa hubad na katawan namin,hawak ni Leo ang kamay ko at mariin nito hinalikan.
"Aalis na ako,"wika nito.
"Ayoko,samahan mo muna ako rito,"sagot ko.
Ngumiti ito at marahan humalik sa labi ko.
"Sige,sasamahan kita rito,"turan nito dahil sa pamimilit ko.
Muli kami nakatulog ni Leo hanggang sa hindi na namalayan ang oras at inabot si Leo sa kwarto ko ng alas-otso ng umaga. Napabalikwas ito ng bangon nang makita ang tirik na araw mula sa bintana,nag mamadali nito kinuha ang pantalon at t-shirt nito at sinuot. Pupungas-pungas pa ang mga mata ko habang nakatingin rito.
"Aalis ka na?"wika ko.
"Alas-otso na ng umaga Sabrina,"tanging sagot nito at nagmamadali nagpunta sa Veranda upang doon bumaba ng mansyon.
PRINCE LEO POV.
Habang pababa ako ng Veranda ay nabaling ang tingin ko sa taong nanonood sa akin habang bumababa roon. Nanlaki ang mata ko kaya't nakabitaw ako at bumagsak sa lupa. Dahan-dahan ako bumangon at pinagpag ang lupa sa damit ko. Nagsukatan kami ng tingin ni Alex at tumingala ito sa taas na pinanggalingan ko,nakita rin nitong dumungaw roon si Sabrina at mabilis umiwas nang makita siya nito.
"Bumaba ka ng Veranda,galing sa kwarto ni Sabrina,"mahinang wika nito at tumitig sa akin.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ni Sabrina?"dugtong na tanong nito.
Hindi ko ito sinagot at tinalikuran ngunit hinila nito ang kwelyo ng damit ko at nag salita.
"Kinakausap pa kita,'Wag kang bastos"galit na saad nito.
Nakita ko ang pag igting ng panga nito at buong lakas ko inalis ang kamay nito sa damit ko.
"Ano sa tingin mo?"turan ko rito at malakas ako nito sinuntok.
"Uulitin ko ang tanong ko! Anong ginagawa mo sa kwarto ni Sabrina!"galit na sigaw nito sa akin at mapakla ako natawa habang pinupunasan ng hinlalaking daliri ang labi na may dugo.
"Kailangan ko pa bang sagutin 'yan,hindi pa ba malinaw sayo,"turan ko rito at muli ako nito sunod-sunod na pinagsusuntok hanggang sa dumating si Sabrina at inawat ito.
"Tama na,Alex!"sigaw nito kay Sir,Alex.
"f**k you! Sabrina. Wala kang kwentang babae,"baling na sigaw nito kay Sabrina.
"Sino ka para sabihan ng ganyan si Sabrina!!"galit na sabat ko.
"Wala kang pakialam! Dahil hampas lupa na hardinero ka lang rito!"turan nito at sasagot pa sana ako ngunit sumigaw si Sabrina.
"Tama na! Umalis kayo rito! Sa labas ng mansyon kayo mag away 'Wag rito!"sigaw ni Sabrina sa pagitan namin at pumasok sa loob ng mansyon. Umalis sa harap ko si Alex at sumakay ng sasakyan nito at pinaharurot palabas ng mansyon. Napa hilamos ako gamit ang palad sa mukha ko at bumaling ng tingin sa pinto papasok sa mansyon.
SABRINA POV.
Matapos ng nangyari ay hindi na muli dumalaw si Alex sa mansyon,nag aalala ako at baka sabihin nito kay Dad ang tungkol sa amin ni Leo. Habang patuloy ang lihim na relasyon namin ni Leo ay unti-unti na rin ako nakadama ng pagkabalisa at hilo,doon ay nagpa konsulta ako sa doktor at sinabing nagdadalang tao ako. Lungkot at tuwa ang naramdaman ko,agad ako nag tungo sa sakahan kung saan naroon si Leo. Suot ang floral half shoulder na dress nakatayo ako habang minamasdan sa di kalayuan si Leo,tirik ang araw at malakas ang hangin.
"Ano maipaglilingkod ko sayo,Senyorita?"wika ni Leo nang makita at nakangiting lumapit sa akin.
"Buntis ako,"mahinang wika ko rito at na tahimik ito. Sandali ito natahimik at malawak na napangiti.
"Tatay na ako,"mahinang sambit nito at masayang hinawakan ang t'yan ko.
"Leo,ano gagawin natin. Ang relasyon natin pwede natin itago. Pero ang batang sinapupunan ko ay hindi natin maitatago,"mahabang turan ko rito,ngumiti ito at sumagot.
"'Wag ka magalala,hindi ko kayo pababayaan. Kayo ng magiging anak natin,"turan ni Leo.
Matapos magsaka nito ay isinama ako papunta sa bahay nila at doon kami kumain ng mga kakanin gawa ng ina nito. Habang kumakain at nasa tabi namin ang ina ni Leo ay nakaramdam ako ng pagsusuka at mabilis tumakbo sa lababo,nagkatinginan si Leo at ang ina nito nang makitang nagsusuka ako.
"Senyorita,masama ba ang pakiramdam mo?"tanong ni Manang Lili at hagod sa likuran ko. Seryoso ako tumingin rito at mahinang sumagot. "Buntis po ako,Tita,"seryosong sagot ko at bumaling ng tingin kay Leo.
"Leo,"nag aalala na tawag nito kay Leo.
"Hindi ko pababayaan si Sabrina,Nay,"turan ni Leo.
"Alam n'yo bang kung gaano magagalit ang Senior,kapag nalaman ang tungkol sa inyong dalawa,"sikmat ng ina ni Leo.
"Leo,anak. Sobra akong nag aalala sa inyo ni Senyorita Sabrina,"dugtong ng ina ni Leo.
Natahimik kami pareho ni Leo at inalalayan ako papasok sa kwarto ni Leo,hiniga ako nito sa kama n'ya at nag salita.
"Magpahinga ka muna d'yan,mamaya ihahatid kita sa mansyon,"wika nito at akmang aalis na pero hinawakan ko ito sa kamay at nag salita.
"Natatakot kay Daddy,Leo,"wika ko at nabuntong hininga ito.
"'Wag ka muna masyadong mag isip baka makasama sa anak natin 'yan,"turan ni Leo at niyakap ako.
Nang makapagpahinga ay nagpahatid na ako kay Leo pauwi ng mansyon,habang naglalakad papasok ng mansyon ay nabungaran ko sa sala si Daddy habang tahimik na umiinom ng kopita pinagmasdan ko ito hanggang sa mapansin ako nito.
"Sabrina,bakit hindi na nagpupunta si Alex rito sa mansyon,"baling ni Dad sa akin.
"Hindi ko alam,"mahinang saad ko at dahan-dahan ito lumapit sa akin.
Nabigla ako nang malakas ako sampalin ni Daddy at sumigaw sa harap ko.
"Hindi mo alam! Sinungaling!"singhal ni Daddy sa akin.
Namumugto ang mga mata ko habang nakahawak ang palad sa pisngi. "Dad,"garalgal na tawag ko rito.
"Now i know bakit ayaw mo magpakasal kay Leo,sino ang gusto mo pakasalan?Ang hardinero na 'yun!"singhal ni Daddy.
"Oo!"sigaw na turan ko.
Nabigla ako nang hawakan ni Daddy ang braso ko at muli ako sinampal ng malakas dahilan ng pagbagsak ko sa sahig. Doon tumulo ang luha ko.
"Dad,"sambit ko habang umaagos ang luha sa pisngi.
Bumangon ako at akmang muli ako sasampalin nito ay agad ako nagsalita.
"'I'm pregnant!"wika ko at natigilan ito.
"Buntis ako Dad,'wag mo ako saktan baka mapahamak ang sinapupunan ko,"Nakita ko ang pag igting ng panga nito at umalis sa harap ko.
Doon nakahinga ako ng maluwag ngunit merong bagay ito kinuha sa drawer at nanlaki ang mga mata ko ng matukoy.
"Dad,"sigaw kong tawag rito habang mahigpit na hawak nito ang bakal na baril.
"Hayop na Leo na 'yan,nasaan ang gag* na 'yan,"singhal nito habang palabas ng mansyon.
"Dad! 'Wag,"sigaw ko rito at pinigil ito palabas ng mansyon ngunit tinulak lamang ako nito at malakas na sandal sa malaking pinto ng mansyon.
Nag lakad ito patungo sa bahay nina Leo,kaya naman patakbo ako nagtungo sa bahay nina Leo upang maunahan si Daddy. Naabutan ko si Leo habang nag sisiga ng ng mga kahoy katabi ang ina nito at hingal ako lumapit rito.
"Leo! Papunta na si Daddy rito may dalang baril. Umalis ka rito!"hinihingal na wika ko.
"Jusko mahabagin,ito na nga ba ang sinasabi ko Leo,anak!"nag aalalang wika ng ina ni Leo.
"Leo,umalis ka na rito ngayon!"pasigaw na wika ko pero nanatili lamang itongnakatayo hanggang sa makarating na si Daddy. Nang makita ni Daddy si Leo ay agad nito tinutukan ng baril si Leo.
"Walang hiya ka! Anak ko pa ang napili mong gag* ka!!"singhal nito kay Leo.
"Daddy,'wag mo gawin 'yan! Ama s'ya ng batang dinadala ko."Pakiusap ko rito.
"Tumahimik ka! 'Wala akong pakialam sa batang 'yan!"singhal ni Daddy at bumaling kay Leo.
"Ano?! Umurong na ba ang buntot mo Leo at hindi ka na nakapagsalita d'yan,"baling nito kay Leo. Natigilan ako nang makita si Leo na dahan-dahan lumalapit kay Daddy at sumagot.
"Sige,iputok mo. Kung 'yan ang makakapag pasaya sayo,"wika ni Leo at napahagulgol ako ng iyak. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama kay Leo.
"Leo!"garalgal na tawag ko rito.
"Dad,'wag mo gawin 'yan nakikiusap ako sayo,"wika ko.
Tila huminto ang mundo ko sa nangyayari kaya't sa sobrang emosyon ko ay malakas ko tinulak si Daddy at mahigpit na yumakap kay Leo,mahal na mahal ko si Leo at bakit ito ang napili kong mahalin dahil sa humanga ako rito.Mapagkumbaba at mabait na tao si Leo,gaya ng ina ko ay may prinsipyo ito at alam kong mamahalin ako nito ng tapat at hindi ako sasaktan. Mabilis lumapit ang ina ni Leo at agad tinutulak kami pa alis sa harap ni Daddy hanggang sa muli nag salita si Leo habang nasa tabi ako nito.
"Mahal na mahal ko si Sabrina,Senior. Hayaan n'yo maipakita ko iyon sayo,"wika ni Leo mabilis na kinalabit ni Daddy ang baril na hawak nito,doon tinamaan ng bala ng baril ang ina ni Leo matapos humarang ito sa pagitan nila. Nanlaki ang mga mata ko at lumuluha nakatitig sa Daddy ko.
"Nay!!"sigaw ni Leo habang nakahiga ito sa lupa.
Namumugto ang mga mata ni Leo bumaling sa ama ko,tumayo ito at mabilis inagaw ang baril na hawak ni Dad. Doon binigyan n'ya ito ng isang malakas na suntok dahilan ng pagbagsak ni Dad sa lupa at akmang muli susuntukin ni Leo ang Daddy ko pero maagap ako sumigaw dahilan ng pagtigil nito.
"Leo,'Wag!"sigaw ko rito at nahinto sa gusto nitong gawin.
"Ama ko s'ya Leo,"mahinang saad ko at padabog binitiwan nito ang Daddy ko at bumaling sa ina nito.
Binuhat nito ang ina at mabilis tinakbo sa ospital,unti-unti ako nanghihina at napaupo habang tulalang nakatitig sa Daddy ko hanggang sa mabilis ito umalis at bumalik sa mansyon.
Nakita kong tumakbo papalapit sa akin si Elaine,dumami na rin ang tao sa labas ng bahay ni Leo matapos ng ginawa ng Daddy ko. Tahimik akong nakaupo sa loob ng bahay nina Leo katabi si Elaine,naghihintay ako ng balita sa lagay ng ina ni Leo hanggang sa naisipan ko umuwi ng mansyon at kausapin ang Daddy ko. Nang magtungo kasama si Elaine sa mansyon ay bumungad sa akin ang ilang maleta na binaba ni Manang Lucy sa sala.