"Sandali Manang,mga maleta ko 'yan ah,"wika ko.
"Senyorita,'wag ka mabibigla pero pinapaalis ka na sa mansyon ng Daddy mo,"turan ni Manang at nagkatinginan kami ni Elaine.
Doon mabilis ko inakyat si Dad at nakita kong magulo ang kwarto nito at luma lagok ito ng bote ng alak.
"Dad,"mahinang tawag ko rito.
"Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa ginawa mo sa akin,Sabrina. I hope you can help me grow the company while your older brother is not here but what did you do!"mahabang singhal ni Daddy sa akin.
"Daddy,may sarili akong buhay. Hindi mo ako pwedeng kontrolin,"mahinang turan ko.
"Lumayas ka rito! Get out of my house!"galit na sigaw sa akin nito.
"Daddy,"sambit na tawag ko rito.
"Kahit isang kusing,wala kang makukuha sa akin. Lahat ng meron ka na galing sa akin ay kukunin ko hanggang sa malaman mo kung anong klase 'yang lalaking pinaglalabanan mo,"mahabang dugtong ni Daddy.
"Kung 'yan ang gusto Dad,hahayaan kita,"wika ko at mabilis umalis sa harap nito.
Nang makababa at isa isa ko kinuha ang mga maleta ko,tinulungan naman ako ni Elaine sa pagdala papunta sa bahay nina Leo. Nang makarating ay nadatnan kong nasa bahay na nito si Leo at binalingan ng tingin ang malalaking maleta na dala ko.
"Kamusta na ang Nanay mo Leo?"tanong ko.
Hindi ako nito sinagot at tahimik na naupo,agad ako lumapit rito at nakaluhod na niyakap ito.
"Leo,i'm so sorry,"wika ko rito.
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.
"'Wag ka na umiyak,magiging maayos din ang lahat,"turan ni Leo at binalingan ang dala kong mga maleta at isa-isa pinasok sa kwarto nito.
"Le..Leo,ikaw na ang bahala sa Ate ko,"baling ni Elaine kay Leo nang makalabas ito sa kwarto.
Mahinang tumungo si Leo at umalis si Elaine,nang nakapasok kami sa kwarto ay hinintay ako makatulog ni Leo bago ito bumalik sa ospital.
Wala sa tabi ko si Leo nang magising ako,nang makaramdam ng pagkahilo ay pa takbo ako nag tungo sa lababo at doon sumuka. Nilapitan ako ni Olivia at hinagod nito ang likuran ko.
"Huwag ka magalala,naroon na ang asawa ko kaya't pauwi na rin rito si Leo,"wika nito at ngunit ako.
"Salamat,"tipid na turan ko.
Nabalitaan kong maayos na ang lagay ng ina ni Leo,nakauwi na rin ito kasama nina Leo sa bahay nila. Nabigla dahil sa biglaang pag tira ko sa bahay nila,bahagyang lumaki na rin ang batang sinapupunan ko kasabay ng paglaki ng t'yan ko. Naging masaya ako sa piling ni Leo pero hindi ko maalis ang selos mula sa kapatid kong si Elaine sa tuwing bumibisita ito sa bahay namin ni Leo.
"Ate,look ang dami kong mga pinamiling mga clothes ng baby n'yo ni Leo,"wika nito.
Pinagmamasdan ko lamang ito habang bitbit ang mga paper bag na pinamili nito.
"Thank you but nakabili na kami ni Leo,"turan ko rito.
Nawala ang ngiti nito sa naging sagot ko at maya-maya ay dumating na si Leo galing sa sakahan. Naratnan kami ni Elaine at nakita ang mga dala nito.
"Mukhang nag shopping ka Senyorita,Elaine,"baling nito kay Elaine at inabot ang dala nito kay Leo.
"Para ito sa pamangkin ko,"saad ni Elaine.
Nangiti si Leo tinanggap ang binigay nito at bumaling sa akin.
"Pahalik ako sa cute na baby ko,"baling nito sa akin at humalik sa malaki kong t'yan at nag angat sa akin at humalik sa labi ko.
"Aa..aalis na ako Ate,Leo,"sabat ni Elaine at umalis sa harap namin. Binalingan naman ako ni Leo at marahan hinaplos ang mabilog kong t'yan.
"Ilang araw na lang manganganak ka na,"mahinang wika ni Leo at ngumiti ako rito.
Hindi nagtagal at bumalik na sa sakahan si Leo,naiwan ako nag iisa habang nagsasampay ng mga puting kumot at napansin ko ang sasakyan sa gilid ng bahay. Kilala ko ang sasakyan na 'yun,pag mamay ari iyon ni Alex. Nagmamadali ako sinampay ang mga kumot upang makapasok na sa loob ngunit bumaba ito ng sasakyan at daha-daha lumapit sa akin.
"Ito ba ang buhay na pangarap mo,Sabrina,"wika nito.
"Wala kang pakialam,"turan ko.
"Malapit ka na manganak,Sabrina,"wika nito.
"Kung wala ka nang sasabihin pa pwede ka na umalis,"wika ko at tipid ito natawa.
"Sabihin mo kung ano ang nabigay sayo ni Leo na hindi ko kaya ibigay, Sabrina?"mahabang saad nito.
"Kung pagmamahal lang kaya kita busugin Sabrina,pera at luho kaya ko ibigay. Pati na ang kaluluwa ko Sabrina,kaya ko ibigay sayo nang walang hinihinging kapalit,"mahabang dugtong nito.
Binalingan ko ito at malungkot na sumagot. "Hindi kita mahal Alex,pinilit ko pero hindi ko magawang magustuhan ka,"turan ko at iniwan na ito.
Pumasok ako sa loob at sinilip ito sa uwang ng bintana habang naglalakad ppaalis ito. Salamat sa pagtingin mo sa akin Alex,pero buo na ang desisyon ko. Mahal ko si Alex at sa kaniya lang ang pag ibig ko.
Mag isa akong natutulog sa kama hanggang sa pumasok si Leo,tumabi ito at niyakap ako mula sa likuran.
"Hindi na ako makapaghintay makapanganak ka Sabrina,"wika nito at hinipo ang malaking t'yan ko.
"Ako rin,"tipid na sagot ko.
Maya-maya ay muli ito nagsalita na sobra kong ikinalungkot.
"Nakakulong na ang Daddy mo Sabrina,"mahinang wika nito.
Napapikit ako ng mariin at na mugto ng luha ang mga mata. "Pansamantala lang iyon Sabrina,dahil alam kong makakalaya rin ang Daddy mo,"dugtong ni Leo.
"Gusto ko humingi ng tawad kay Daddy,"garalgal kong saad.
Napabuntong hininga si Leo at dumapa ng higa,hindi ako nito iniimik at muli ako nagsalita.
"Gusto ko na rin makita si Daddy,Leo,"dugtong na saad ko at nang hindi sumagot si Leo ay binalingan ko ito ng tingin na ngayo'y natutulog na pala.
Dumating ang araw na nanganak ako,hindi ko sukat akalain na ganoon pala kahirap ang magluwal ng bata sinapupunan ko. Lahat ng inipon ni Leo naubos dahil cesarean ako,hindi ko kinaya dahilan upang ma cesarean ako. Nakalaya na rin ang Daddy ko at naroon na ngayon sa mansyon habang ako ay tumutulong sa pagsasaka kay Leo sa bukid. Habang suot ang malaking polo na damit at itim na pantalon at bota ay tinutulungan ko mag saka si Leo,mahigit isang taon na rin ang anak namin ni Leo at nasa di kalayuan ito habang kasama ng ina ni Leo.
"Leo! Sabrina! Huminto muna kayo d'yan at kumain,"tawag ng ina ni Leo sa amin.
"Opo,Nay Lili,"sagot k at umalis sa maputik na lugar na 'yun.
Binalinga ko ng tingin si Leo habang pawis ang katawan nitong patuloy na magsasaka.
"Mahal,halikana at kumain na tayo,"tawag ko rito.
Huminto ito at nakangiting lumapit sa akin. "Mabuti pa nga dahil,ikaw naman ang isusunod kong kainin,"turan nito at nanlaki ang mga mata ko.
"Tumahimik ka nga d'yan at baka meron makarinig,"saway ko rito.
Magkasabay kami lumapit sa anak namin at kinarga ito ni Leo. Habang kumakain sa kubo malapit sa sakahan ay natigilan ako sa pagkain nang makitang umiikot si Alex sa bukid kasama ang ilang mga tauhan nito,nagkatinginan kami nito nang makita ako.
"Sabrina,"tawag ni Leo sa akin at napatingin din sa gawi ni Alex.
"Senyorito,Alex. Magandang umaga po,"bati ng ina ni Leo.
Nakita ko na nawalan ng gana sa pagkain si Leo nang makita ito.
"Babalik na ako sa trabaho ko,"biglang saan ni Leo.
"Sige,ako rin,"sabat ko.
"Umuwi na kayo ni Andrei at ni Inay,"turan ni Leo.
"Teka,sandali. Bakit mo ako pinapauwi?"turan ko rito.
"Basta umuwi na kayo!"mataas na boses na sagot nito sa akin at mabilis naglakad patungo sa sakahan.
Binalingan ko si Alex na bahagyang pinanonood lamang kami,masama ang loob ko na umuwi ng bahay kasama at anak kong si Andrei. Hinintay ko mag hapon at ang pagdating ni Leo sa bahay,at nang makauwi ito ay mabilis ko ito galit na kinausap.
"Bakit mo ako pinauwi kanina sa bukid,nagtatrabaho ako ng maayos Leo,"sikmat ko rito.
"Gusto ko umuwi na lang kayo ni Andrei,"turan nito.
"Ilan beses ko ba uulit-ulitin sayo na gusto ko rin makatulong sayo,ayaw mo ako bumalik sa trabaho ko sa company ng Daddy bilang photographer. Hindi ko na alam kung ano ang gusto mo!"singhal ko rito.
"Alam mong gusto ko makaipon tayo at makatulong sayo,kahit hirap na hirap na ako!"dugtong ko.
"Ang gusto ko lang sumunod ka naman sa akin kahit konti Sabrina,'yun lang tapos na ang usapan natin!"sigaw nitong sagot.
"Pagod ako Sabrina at gusto ko na magpahinga,"dugtong ni Leo.
"Nagseselos ka kapag nakikita mo si Alex,hindi ba?"saad ko at kunot noong na napatingin ito sa akin.
"Paano napasok sa usapan natin ang lalaking 'yun,"sikmat nito.
"Bakit hindi,"tipid na turan ko at nakitang nag kuyom ang mga kamay nito.
"Kung ayaw mo magalit ako Sabrina,pumasok ka sa kwarto ngayon,"madiin na wika nito at tinaasan ko ito ng kilay bago nagsimula pumasok sa kwarto namin
Hindi kami nag usap ni Leo at nanatiling nakatalikod sa isa't isa,kinabukasan ay habang karga ko si Andrei ay dumaan kami sa mansyon at ipinakita ko ang mansyon sa anak kong si Andrei.
"Look Andrei, that's where mommy used to live. And now your Grandfather is mommy's Daddy too,"wika ko.
Hindi pa nakakapagsalita si Andrei kaya't hindi pa ito nakaka sagot sa akin. Maya-maya ay akmang paalis na sa harap ng mansyon ay nakita kong lumabas si Elaine at nakita kami.
"Andrei! Baby,come here,"baling nito sa anak ko at gewang-gewang ito naglakad palapit kay Elaine.
"How are you,baby. Tita miss you much,"dugtong nito sa anak ko.
Ilang sandali ay sumunod na lumabas sa mansyon ang Daddy ko hawak ang baston nito,binalingan ng tingin si Andrei at nalipat sa akin. Nakita ko napangiti ang anak ko nang makita ang Daddy ko,naglakad ito palapit sa kinaroroonan ng Daddy ko pero natumba ito at naupo sa lupa. Dinaanan lamang ito ni Dad at nagtungo na pasakay ng sasakyan,namuo ang luha sa mga mata ko at binalingan ang anak kong naupo sa lupa. Patakbo ako lumapit rito at binuhat ito.
"Andrei,baby. What are you trying to do natumba ka tuloy,"wika ni Elaine bago sumunod kay Dad,at sumakay rin ng sasakyan.
Nang makaalis ang sasakyan ay tumulo ang luha ko,ang anak namin ni Leo ay hindi manlang magawa na hawakan ng Daddy ko. Hindi ganito ang pangarap kong pamilya,naaawa ako sa anak ko dahil hindi s'ya kinikilalang Apo ng Daddy ko. Mugto ang mata na bumalik ako sa bahay kasama ang anak kong si Andrei,naabutan kong nagbibihis si Leo sa kwarto at nagkatinginan kami nito.
"Saan kayo galing?"tanong nito habang nag sinturon ng luma nitong pantalon.
Hindi ko ito sinagot at tahimik na naghahanap sa kabinet ng bihisan ng anak kong si Andrei,maya-maya ay naramdaman kong humaplos ang mga labi ni Leo sa balikat ko habang nakahawak ito sa bewang ko. Agad ako umiwas rito at mahina nagsalita.
"Ano ba Leo,wala ako sa mood,"wika ko rito at lumabas ng kwarto..
Leo pov.
Nakarating ako sa sakahan at hindi na nakapag agahan pa,batid ko ang pagiging mainitin na ulo ni Sabrina. Hindi ko magawa magalit sa kaniya dahil sa uri ng pamumuhay namin,ginagawa ko naman ang lahat para makaipon kami ngunit may iba akong pinag lalaan ng ipon ko sa ngayon,iyon ang kasal namin ni Sabrina. Bibilhin ko ang sing-sing na nararapat sa kaniya,mahirapan man ako ay ayos lang maiparamdam ko lang sa asawa ko kung gaano ko s'ya kamahal pati na ang anak namin. Habang abala sa pagsasaka ay napangiti ako nang may makitang naka floral na bestida sa di kalayuan,nagmamadali ako lumapit roon pero nang humarap ito ay nabigla ako dahil iyon ay si Elaine. Napangiwi ako dahil sa pag aakalang si Sabrina ito.
"Hello,Leo. May dala akong food baka gusto mo,"alok nito sa akin.
"Hindi na,kumain na ako Senyorita."Pagkukunwari ko ngunit napalunok dahil kanina pa ako nagugutom.
"Sige na,Leo. Kumain ka na para sa inyong mga trabahador talaga itong mga dala kong pagkain.
Doon napatingin ako sa ilang mga kasama ko na kumakain sa kubo,hindi na ako nag alinlangan pa tanggapin at kumain sa harap ni Elaine. Habang nakaupo sa damuhan ay mahina itong nag salita.
"Kamusta kayo ni Ate?"tanong nito.
"Ayos lang,"tipid na sagot ko habang gutom na kumakain.
"Nakipaghalikan ako sa Ex boyfriend ko,"wika nito na kinalingon ko.
"Wala na kasi akong pagpipilian,"malungkot nitong saad.
"Hindi ka ba nagugutom,sabayan mo ako," Pag iiba ko ng usapan at napangiti ito.
Habang nag sasaka ay hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil pinanonood ako ni Elaine,hindi pa rin ito umaalis ng bukid. Hanggang sumapit ang hapon at nagpasya na akong umuwi.
Nang makauwi at pumasok sa kwarto namin ni Sabrina ay nabigla ako ng pagbabatuhin ako nito ng mga damit.
"Kaya pala ayaw mo ako isama sa bukid!"singhal nito at sunod-sunod na binabato ako ng mga damit.
"Bakit ba Sabrina!"sikmat ko.
"Walang hiya ka! Nakita ko kayo ni Elaine sa bukid. Huminto ka pa mag saka nang makita mo s'ya!"sunod-sunod na sigaw nito.
"Sabrina! Ano bang pinagsasabi mo?!"sikmat ko rito.
"Nagkukunwari ka pa!"singhal nito at mabilis ko hinawakan ang mga kamay nito at mahigpit na niyakap.
"Ikaw lang ang mahal ko,nagdala lamang ng pagkain roon si Elaine para sa lahat ng trabahador."Paliwanag ko at huminto ito sa pagwawala.
"'Yun lang,wala ng iba!"dugtong ko pa.
Nang tumigil ito ay hinarap ko ito at hinawi ang buhok nito,hinagkan ko ito sa labi pababa sa leeg nito. Pero agad kami nag hiwalay nang bigla bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa ang Inay ko.
"Ano ba ang nangyayari rito?!"nag aalalang tanong ni Inay sa amin.
"Wala po,Nay Lili,"turan ni Sabrina at lumabas ng kwarto.