CHAPTER 14- LIVE WITHOUT HER

2316 Words
Napa hilamos na lamang ako gamit ang palad sa mukha,lumabas ng kwarto si Sabrina at naiwan kami ni Inay. Nakatitig sa akin si Inay at mahina nagsalita. "Narinig kong nag aaway kayo kanina,"wika ni Inay habang isa-isa kong nililigpit ang mga damit nagkalat. "Wala po iyon Inay,"turan ko. "Hindi nawawala ang away sa mag asawa anak. Pero sana umiwas kayo hangga't kaya n'yo,may anak na kayo ni Sabrina. May buhay ng bata na kayong iniingatan kaya't sana maging matatag kayo,"mahabang wika nito. "Opo,"tipid na sagot habang wala ang atensyon rito. Nang malinis ko ang kwarto at naka alis si Inay doon lamang muli pumasok si Sabrina. Nakatapis ito ng tuwalya at habang naghahanap ng ma isusuot. Habang nakaupo ako sa kama at nag babasa ng dyaryo pasulyap sulyap tingin ako rito. "Leo! Naligo ka na ba?!"tanong nito at agad ako lumabas ng kwarto para maligo sa banyo. Nang makabalik naratnan kong tahimik na ito natutulog,tumabi ako rito at agad yumakap sa bewang nito.Inalis nito ang kamay ko ngunit muli ko ibinalik,hinaplos ko ang dibdib nito at ipinasok sa loob ng suot na damit. Naramdaman kong tila nagugustuhan nito ang ginagawa kaya't mabilis ako umibabaw rito. Hinubad ang suot na T-shirt humahalik sa mga leeg nito. Ngunit makailang oras lamang ay may malakas na katok ang sunod-sunod nagpahinto sa akin. Napapikit na lamang ng mariin nang muli mabitin sa gusto kong gawin kay Sabrina. Bumaba ng kama si Sabrina at binuksan ang pinto. "Sabrina! Ang Senior tinakbo sa ospital!"natatarantang wika ni Inay. Napatingin sa akin si Sabrina at mabilis nagbihis at lumabas ng kwarto. Naiwan akong nag iisa sa kwarto,nalaman ko kay Inay na may malubhang sakit raw ang Senior. Tahimik akong nakahiga nakapatong ang isang braso sa uluhan,kahit ano ang gawin ko ay hindi ako makatulog. Dinampot ko ang hinubad na damit kanina at pinaypay sa sarili. Kinabukasan ay nagtungo ako sa sakahan,buong maghapon nag trabaho hanggang sa makauwi ngunit wala pa si Sabrina. "Si Andrei,Nay?"tanong ko. "Kanina pa natulog,"sagot ni Inay. "Mukhang matatagalan ang asawa mo roon sa mansyon,"dugtong ni Inay at napatitig ako rito. "Bakit?"agad na tanong ko. "Si Senior,hindi pinaalis si Sabrina,"turan ni Inay. "Hindi pwede,"sikmat ko. "Anong hindi pwede sinasabi mo d'yan. Ama niya 'yon Leo baka nalilimutan mo,"turan ni Inay at agad pumasok na sa kwarto. Tahimik akong pumasok sa kwarto,nag aalala ako sa pananatili niya sa mansyon. Hindi ko maintindihan pero hangga't maaari ay ayoko na sana umuwi pa siya roon. Lumipas ang ilang linggo wala pa rin si Sabrina,hindi pa rin ito umuuwi at nasa mansyon. Nakaramdam ako ng kakaiba kaya't sinama ko ang anak kong si Andrei at nagpunta ng mansyon. Nasa labas ako ng mansyon nang makita kami ni Sabrina at agad itinago kami sa bahagi ng mansyon ni Andrei at kinausap. "Anong ginagawa n'yo rito?"nag aalalang tanong nito. "Sab,ang tagal mo na d'yan baka pwede umuwi ka na,"wika ko. "Hindi pa pwede Leo,ako ang nag aalaga kay Dad. Hindi pa bumubuti ang lagay lagay niya kaya hindi pa ako makakauwi,"turan nito. "Sige na umalis na kayo,"wika nito. Buhat-buhat ko si Andrei hanggang makalabas ng mansyon. Kunot noo akong umuwi sa bahay,buong araw inalagaan si ang anak ko si Andrei hanggang sa lumipas pa ang ilang araw at naubusan na ako ng pasensya. Malalaki ang mga hakbang tinungo ko ang mansyon,pakiramdam ko may mali sa nangyayari. Kilala ko si Senior,kilalang kilala ko. Walang pakundangan akong pumasok sa loob ng mansyon,nakita ko mula sa sala si Sabrina at Senior na nasa wheelchair ngunit nasa tabi nito si Alex. Nang makalapit ay hinarap ko si Alex at nag salita. "Susunduin ko na ang asawa ko,"wika at hinila palabas ng mansyon si Sabrina. "Leo! Ano ka ba?! Kailangan ako ng Daddy ko ngayon!'singhal nito. "Paano ako Sab! Kailangan ka rin namin,ng anak mo!"sikmat ko rito. "Pero mas kailangan ako ni Daddy ngayon,"mahinang saad nito. "Hanggang kailan ka d'yan,ha! Ni ha. Ni ho,wala kang sinasabi sa akin na mananatili ka ng matagal d'yan,"galit na wika ko kay Sabrina. "Umuwi ka na,nangako ako sa Daddy ko na hindi ako aalis sa tabi n'ya hangga't hindi s'ya gumagaling,"saad nito at bumalik sa loob ng mansyon. Akmang susundan ko sana si Sabrina sa loob ng mansyon ngunit hinarang ako ni Alex at nagsalita. "Kung ano man ang problema ninyong mag asawa,mabuti sa bahay n'yo na lang pag usapan 'yan at 'wag rito dahil may sakit ang ama ni Sabrina,"baling nito sa akin. Ilang minuto kami nagsukatan ng titig nito hanggang sa magpasya na umalis na lamang ako ng mansyon,habang papauwi ay nakita kong karga ni Inay ang anak namin ni Sabrina at nag aabang sa pagdating ko. Nagbuntong hininga ako at bumaling sa mga ito. "Inay,matulog na kayo ni Andrei,"wika ko sa mga ito at humalik sa noo ni Andrei bago ang mga ito pumasok sa loob. "Isang oras ako nanatiling nakaupo sa labas ng bahay at nag aabang sa pagdating ni Sabrina,maya-maya ay papasok na sana ako ngunit nakita kong papunta sa gawi ko si Elaine. "Pwede ba kita samahan sa paghihintay mo kay,Ate,"mahinang saad nito. "Pakisabi sa kan'ya,umuwi s'ya kahit saglit lang,"mahinang turan ko. "Ayaw s'ya paalisin ni Dad,"wika nito. "Hindi pwede,hinahanap s'ya ng anak ko,"kunot noo na turan ko. "Pero may sakit ang Daddy ko at kailangan n'ya ang ate ko,"turan ni Elaine at natahimik ako. "Hayaan mong ako na lang muna ang mag asikaso sa inyo at ni Andrei,"dugtong nito at napatitig ako rito. Hindi ko ito sinagot at iniwan mag isa sa labas ng bahay,hindi ko gusto talikuran si Elaine pero sa tema ng pananalita nito sa akin ay palagi itong nagpapahiwatig sa akin. Nang makapasok sa kwarto ay bumaling ako sa kabinet at kinuha sa bulsa ng pantalon ang isang punit ng larawan. Pinagmasdan ko ang larawan ng singsing na bibilhin ko para kay Sabrina. Gusto ko mag propose ng kasal rito at maibigay ang singsing kay Sabrina,pero sa ngayon ay inilihim ko muna ito sa kan'ya. Sumapit ang dalawang buwan na pananatili ni Sabrina sa mansyon ay tila tuluyan na ako nauubusan na ng pasensya. Pakiramdam ko binabawi na sa akin si Sabrina ng ama nito. Habang naghahanda paalis ng bahay ay dumating si Elaine at may dalang mga prutas,binalingan ako nito at mahina nag salita. "Leo,kumain ka na ba?"tanong nito ngunit hindi ko pinansin at deretso lamang naglakad patungo ng bukid. Itinuon ko ang atensyon ko sa sakahan habang hindi pa umuuwi si Sabrina,ang singsing ay handa ko na rin ibigay kay Sabrina sa oras na makauwi na ito. Gabi na nang dumating ako sa bahay,nabalitaan ko ang pagbisita ni Sabrina kay Andrei ngunit agad din bumabalik sa mansyon. Lungkot at galit ang nararamdaman ko,bakit hindi man lamang ako magawang kamustahin ng asawa ko. Doon nag pasya akong sa pilitan muli pasukin ito sa kwarto n'ya at dumaan sa Veranda. Tahimik ang gabi at bahagyang nakainom din ako ng ilang bote ng alak,nang makapasok sa kwarto nito ay nakita kong nakasuot ito ng maikling cycling short habang mahimbing na natutulog. Dahan-dahan ako tumabi rito at niyakap ito mula sa likuran at tanging lampshade lamang ang liwanag. "Sabrina,umuwi ka na. Namimis ka na namin ng anak mo,"mahinang wika ko at tila nagising ko ito at humarap sa akin habang mahigpit na yakap ang bewang nito. Natigilan ako habang namumugto ng luha ang mga mata. Nakatitig sa akin si Elaine habang yakap ko ito katabi sa kama. "Ba..bakit i...ikaw ang narito sa kwarto ni Sabrina,"nauutal na saad ko at mabilis binitiwan ito at bumaba sa kama. "Nakipag palit si Ate ng kwarto sa akin,"mahinang turan nito. Tumulo ang luha ko habang hindi makapaniwala kung bakit ito nakipag palit ng kwarto kay Elaine,habang tahimik nakaupo sa kama ay niyakap ako ni Elaine mula sa likuran at mahina nag salita. "Handa ako maghintay sayo Leo hanggang sa mahalin mo rin ako,"mahinang wika nito at pilit ko inalis ang mga kamay nito sa katawan ko. "Leo,noon pa man mahal na mahal kita. Para sa Ate ko nagparaya ako,"naluluha na turan nito. "Hindi ikaw ang kailangan ko,kundi ang ina ng anak ko,"mahinang turan ko rito habang wala ang atensyon rito. "Leo,nasasaktan ako para sayo,"wika nito na ikinalingon ko. "Anong ibig mong sabihin?"kunot noong baling ko rito. Lumandas ang luha nito sa pisngi at dahan-dahan lumapit sa akin,kinuha nito ang kamay ko at hinawakan. "Nandito lang ako sa tabi mo,kapag kailangan mo,"mahinang saad nito habang hawak ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kaba sa binitawang salita ni Elaine,nag alis ako ng tingin rito at bumaba na ng Veranda. Nang makauwi ng bahay ay hindi ako mapakali,pakiramdam ko ay meron talagang mali sa nangyayari na hindi ko matukoy. Kinabukasan nang magising ako ay agad ako nagtungo sa lamesa at nag agahan,tulala ako at ang tingin ay nasa tasa ng kape. Nalipat ang tingin ko sa pinto habang papasok si Sabrina,doon sumilay ang ngiti ko sa labi at mabilis nilapitan ito. Mahigpit ko ito niyakap at mahina nag salita. "Bakit ngayon ka lang Sabrina,"wika ko rito habang yakap. Hinarap ako nito at nakita kong namuo ang mga luha sa mga mata nito at mahina nagsalita. "Patawarin mo ako,Leo,"wika nito na kinatitig ko rito. Ngumiti ako rito at sumagot."Ayos lang ang mahalaga narito ka na,"mahinang sagot ko. "Ipangako mo sa akin Leo na hindi mo pababayaan ang anak natin,"wika nito at muli ako ngumiti. "Syempre naman,ngayon andito ka na siguradong masaya na naman si Andrei,"saad ko at tumulo ang luha nito. "Ma...may problema ba?"tanong ko. Inaya ko ito mag agahan at sandali ko ito iniwan at kinuha ang larawan ng singsing. Gusto ko bilhin ito sa lalong madaling panahon,gusto ko makitang maisuot n'ya ang singsing na nararapat sa kaniya . Sandali ko ito iniwan at umalis para bilhin ang singsing,ngunit nang magbalik ako ay tumambad ang ilang maleta ni Sabrina. "Sabrina,"sambit ko rito at pinunasan nito ang luha nito sa pisngi. "Patawarin mo ako Leo,"tipid na saad nito. "Bakit naka empake ang mga gamit mo?"kunot noong tanong ko. "Mag papakasal na ako kay Alex,sasama na ako sa kan'ya,"wika nito na nagpatulala sa akin,mahina ako natawa at muli seryosong bumaling rito. "Ulitin mo 'yung sinabi mo?"seryosong turan ko rito,nawalan ito ng imik habang sunod-sunod ang pag luha. "Pansamantalang sa mansyon ako titira,mag papakasal na rin ako kay Alex,"mahinang saad nito. "Bakit?"agad na tanong ko at mabilis isa isang binitbit nito palabas ang mga maleta. Hinabol ko ito at mahigit hinawakan sa braso,nagbabaga sa galit ang mga mata ko habang sunod-sunod ang pag patak ng luha. "Hindi ako naniniwalang magagawa mo sa akin 'to Sabrina,"sikmat ko. "Patawarin mo ako Leo,"umiiyak na wika nito at mahigpit ako niyakap. "Ikaw lang ang lalaking minahal ko Leo,pero kailangan ko gawin ito para sa Daddy ko. Alagaan mo ng mabuti ang anak natin na si Andrei,"mahabang dugtong nito. Naiwan akong tulala habang namumula ang mga mata sa sunod-sunod na pag luha,tila ba huminto ang mundo ko at hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Sabrina. Dahan-dahan ako pumasok sa loob ng bahay at tahimik naupo sa tapat ng mesa,iniisip na panaginip lamang ito at kailangan ko magising. Ngunit lumipas na ang isang oras doon ko napagtantong totoo ang nangyayari,tahimik akong nakaupo at biglang tumayo at binalibag ang mesa na nasa harap ko. Nag wala ako sa loob ng bahay at lahat ng nakita ko ay binabato ko sa kung saan. "Sabrina!!"sigaw ko habang umiiyak sa galit. Dumating si Inay at agad ako huminto sa pag wawala"Leo,bakit anak!"saad ni Inay. Tinabig ko si Inay at nagmadali pumunta ng mansyon,galit kong pinasok ang mansyon at nakita kong kausap ni Sabrina si Alex. "Sabrina!"tawag ko rito mabilis hinila ang kamay nito. Pinigil ni Alex ang kamay ko at mahigpit na hinawakan nito. "Hindi mo s'ya pwedeng kunin,"saad nito. "Bitawan mo ako,iuuwe ko na ang asawa ko,"mariin kong pagkaka sabi rito. Umiling ito at pilit inalis ang kamay ko mula kay Sabrina,doon ay galit na hinablot ko ang kwelyo ng damit nito. "Matagal na akong nagtitimpi sayo,wag mo ako sagarin,"sikmat ko rito habang nag aapoy ang mga mata ko sa galit. "Umuuwi ka na Leo,please! Please Leo!"umiiyak nitong saad at binalingan ko ito. "Hindi ako aso para pagtabuyan mo!"galit na singhal ko kay Sabrina. "Asawa mo ako Sab! Ako ang asawa mo at ako dapat ang pakasalan mo,"naluluhang wika ko rito at inilabas ang biniling singsing at ipinakita ko ang singsing na lalo nagpaluha rito. "Para sayo ito Sabrina,pinag ipunan ko ito para sayo,"naluluha na wika ko rito. Hindi ito sumagot at tinakpan ng kamay ang mukha dulo't ng pag iyak. "Umalis ka na Leo,"mahinang saad nito. "Sab,"tipid na tawag ko rito. "Leo,umalis ka na!"hagulgol na sigaw nito at patakbo umalis sa harap namin. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang pinagmamasdan ito paalis sa harap ko. Binalingan ko ng tingin si Alex at matalim ang tingin rito. Maya-maya mahina ito nag salita. "May taning na ang buhay ng Daddy ni Sabrina,hiling ng ama n'ya maikasal s'ya sa akin para sa kompanyang pinaka iingatan ng ama n'ya,"mahinang saad nito at dahan-dahan umalis sa harap ko. Naiwan akong nakatayo at hinilamos ang palad sa mukha,dahan-dahan naglakad at na sandal sa dingding at doon umiyak. "Sabrina.."mahinang sambit sa pangalan nito. Ilang minuto ako umiyak at hinampas ng malakas ang dingding ng mansyon,hindi ko alam kung matatanggap ko ito. "Sabrina!!"sigaw na tawag ko rito. Makalipas ang ilang oras susuray-suray hawak ko ang bote ng beer habang papauwi ng bahay,sundo-sunod ang pagtungga rito hanggang sa makarating sa bahay. Nang maubos ang bote ng beer galit ko itong ibinato sa malayo.Susuray-suray ako pumasok sa loob ng bahay at bumungad sa akin si Andrei karga ni Inay. Dahan-dahan ko ito nilapitan at hinalikan sa noo nito. "Anak,anong oras na ah. May problema ba kayo ni Sabrina?"nag aalala nitong tanong at binalingan ko ito. "Ako wala,pero s'ya meron Nay,"naluluhang wika ko. "Ano ba ang problema anak,sabihin mo sa akin at baka makatulong ako."pilit akong ngumiti rito at humalik rin sa noo ni Inay. "Wala,Nay. Matulog na kayo ni Andrei,"wika ko at pilit na ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD