PROLOGUE
GUIECO CLAN SERIES #1 (WILD NIGHT WITH MY STRANGER)
GUIECO CLAN SERIES #2 ( A FORBIDDEN AFFAIR)
——————————————————
~MARCIELLA PERRER~
"Mga bata pa lang tayo ay gustong-gusto na kita, Ashmer," rinig kong pag-aamin ni Percylla. "Kahit na alam kong hanggang kaibigan lang talaga ang kaya mong ibigay na treatment sa akin ay ayos lang. Hayaan mo lang sana ako na mahalin ka.”
Napabuntonghininga na lang ako. Si Ashmer ang boss ng mga agent dito sa Guieco Clan. Nakatatandang kapatid siya ng kaibigan ko ring si Kenya Guieco. Si Percylla naman ay siyang itinuturing kong best friend.
Alam kong noon pa man ay may lihim na na pagtingin si Percy kay Ashmer. Alam ko rin na lahat ng love poems at cookies na ipinapagawa niya sa'kin noon ay sa lalaki niya ibinibigay pero ayos lang naman sa akin 'yon.
Ayos lang talaga kahit pa pareho kaming nararamdaman para sa lalaki. Willing naman akong magparaya dahil nangako kami sa isa't-isa na hindi kami magkakagusto sa iisang lalaki lang. Sadyang mapaglaro lang ang panahon. Malupit ang tadhana.
Tila ba bigla na lang tumigil ang pagtibok ng aking puso nang masaksihan kung paano halikan ni Percylla si Ash. Marahan kong nasapo ang aking dibdib dahil sa sakit na aking nararamdaman na hindi ko kayang ipaliwanag.
I froze in place, feeling as if the world had pinned me down. It was as though sharp needles of anguish relentlessly pierced my chest. The steady rhythm of my heart faded into the background, replaced by the startling realization that tears were streaming down both my cheeks.
No, Marciella! Maling-mali ang nararamdaman mong ito. Hindi ka dapat nasasaktan.
Dahan-dahan akong naglakad papalayo sa kanila at dumiretso sa paborito kong lugar dito sa GC Camp, ang GC's Garden. Napapaligiran ito ng iba't-ibang halaman na may magaganda at makukulauly na bulaklak. Sa gitna ng garden na ito ay may duyan na puwedeng-puwedeng tambayan. Mas gusto ko rito tumambay kapag gabi dahil kitang-kita ang liwanag ng buwan na siyang nagsisilbing ilaw sa madilim nitong paligid.
Dito ako nagmumuni-muni o kaya ay naglalabas ng hinaing ko sa buhay. Sapat na ang katahimikan para panandalian kong matakasan ang mga kamalasan at masasakit na nangyayari sa aking buhay.
Masakit pero kakayanin natin, Marciella. Ganito naman kapag nagmahal ka, 'di ba? Masasaktan at masasaktan ka talaga.
Wala akong galit o sama ng loob na nararamdaman para kay Percy. Wala akong rason o karapatan na makaramdam nang ganoon. Alam kong pareho kaming nararamdaman ni Ashmer pero kung anuman iyon ay hanggang doon na lang lalo pa't umamin na sa kaniya si Percy.
Kapatid na ang turing ko kay Percy kahit na ampon lang namin siya. Kung ano ang trato ko sa kambal kong si Gab ay iyon din ang ibinibigay ko sa kaniya. Maaga kasi siyang naulila kaya naman ang mga magulang na namin ang kumupkop sa kaniya. Naging best friend ko siya habang hindi naman gano'n kalapit sa kaniya si Gab.
Si Ashmer na lang ang mayroon siya ngayon, aagawin ko pa ba? Ipagkakait ko pa ba ang kasiyahan na ninanais niya? Hindi. Hinding-hindi ko iyon gagawin.
"Ell."
Awtomatikong nag-angat ako ng tingin. Kahit hindi ko pa man siya makita alam ko na kung sino dahil iisang tao lang naman ang tumatawag sa'kin ng gano'n. Si Ashmer Guieco lang.
"Ash, magpapahinga lang ako rito saglit. Alam ko namang lungga mo ito," agad kong paliwanag.
"Na lungga mo rin naman," aniya at tinitigan ako. Ako na ang unang bumawi ng tingin."Urong do'n."
Sinunod ko na lang siya at pasimpleng napabuntonghininga. Napatingala na lang ako sa kalawakan at mataman na pinagmasdan ang buwan.
"Problem?" tanong niya pa.
Sinong hindi mahuhulog ang loob sa taong siyang madalas mong karamay dito sa lugar na ito? Na kahit hindi man namin sadyain na magtagpo rito ay pinagtatagpo talaga kami, kagaya ngayon.
"Wala naman. Masaya lang ako para sa kaibigan ko," makahulugan kong saad at lumingon sa kanya na sa akin din pala nakatitig.
"W-we shared a kiss."
"I know."
"Nakita mo?"
"Hmmm," tipid kong sagot ko sabay tango.
"Narinig mo kami?"
"Hindi. Napadaan lang ako, sorry."
"Gusto kita, Ell. Sinabi ko na sa'yo 'yan noon."
Mas lalo lang akong nasasaktan tuwing sinasabi niya sa'kin iyan.
"Pero sinabi mo rin Ash na mahal mo siya. Puwede ba ang gano'n? Sabihin na nating gusto mo ako pero mahal mo si Percy, 'di ba? Kailangan ninyo ang isa't-isa," pahinang-pahina kong saad.
"Puwede bang pakinggan mo muna ako kahit ngayon lang, Marciella?"
"Could you please stop, Ash? I'm in pain right now. She's my best friend, my sister, my partner-in-crime, but that doesn't mean I should meddle in her love life. Ash, kung may pakialam ka talaga sa akin ay puwede bang gawin mo na lang ang gusto ko?! Kalimutan mo na lang ang nararamdaman mo sa akin. Hayaan mo na lang ako at piliin mo si Percy. Kailangan ka niya kaysa sa kung sino pa man."
Tumayo ako pero napigilan niya ako. Napakuyom at napapikit na lang ako.
"Marciella, I love..."
"Please, stop talking about it... about us. Just stop, Ashmer. Ayaw ko na ma-involve sa kadramahan na ito. Tanggapin na lang natin na hanggang friends na lang talaga tayo."
"Friends?" Sarkastiko pa siyang natawa at blangko ang mukhang tumitig sa akin at tumayo. "Mas gugustuhin ko pang ituring kang kaaway kaysa sa ang maging kaibigan mo, Marciella Perrer."
"Much better kung gano'n na lang talaga, Ashmer Guieco…"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko pa dahil sa hinalikan niya na lang ako bigla. Sa sobrang pagkagulat ko ay parang naging tuod ako. Nang magising naman ang diwa ko ay bigla ko siyang naitulak.
"Ashmer, please, stop this."
"What if I choose you? Actually, never mind. Marciella, I want to choose you."
Wala kang narinig, Marciella. Wala.
"You kissed Percylla—"
"No, she kissed me—"
"And you kissed her back, so you need to choose her, Ashmer," pagtatapos ko sa usapan namin.
Bumalik na ako sa aking flat at pasimpleng napabuntonghininga nang maabutan si Percy na nakahiga sa kama ko. Nakatitig pa ito sa kisame na tila ba may inaalalang magandang pangyayari habang matamis ang ngiti.
"Oh? Nandito ka pala," agaw ko sa kaniyang atensiyon.
"You know what, Marci? I am so, so, so happy right now!"
I am happy for you too, even if it hurts a lot.
"Really? Why? Did something happen?"
"Hmmm! We kissed, and he said he loves me too."
Parang nalunok ko naman ang dila ko dahil sa kanyang sinabi. "Wow, really? Well, I'm glad for you too. It looks like you've found the right one."
"Oh, thanks for your support, Marciella. I hope you find someone special too," she said with a smile.
"I hope so," I replied before going into the shower.
If sadness could drown, I might be gone by now.
God, why is this happening? Why just one man? Why?