CHAPTER 5

1037 Words
"Bal! Let's go!" tili ni Gab sabay pulupot na naman ng kamay niya sa braso ko. Kamuntikan ko pang mabitawan ang librong hawak ko. Hilig talaga nila akong kaladkarin kung saan-saan. Lahat yata ng tao dito sa camp ay napaka-clingy sa akin. Kung merong botohan para sa pagiging favorite person alam kong panalo na ako, zsss! Hindi madaling mataming papansin sa 'yo, 'no? Nakakasakit ng panga. "Saan ba?" usisa ko na may halong maktol. Disturbo sa pagbabasa ko, eh. Ngayon na nga lang ulit ako makakahawak ng libro dahil mula bukas ay marami na namang paper works. Malapit na ang graduation eh. "Sa office ni Boss Robot." Agad akong pumiksi sa pagkakahawak niya. "Eh! Ayaw ko, ikaw na lang." "Sige na, kuha tayo ulit ng misyon. Bagot ako, eh." Napabuntonghininga na lang ako. Paano ko pa matatanggihan ang makulit na ito? "Oo na nga, bilisan lang natin. Magbabasa pa ako." Ngumiti naman siya. "Yey! I love you, bal!" "Sus, ang clingy nito." Pareho kaming natawa. Dumiretso na kami sa office ng boss namin. Wala akong pakialam kung basta na lang nakapusod ang buhok ko at sobrang laki ng t-shirt ko. Walang may pakialam, kanya-kanyang trip lang iyan. Ilang araw ko ring 'di siya nakita. Mukhang nagwo-work talaga ang pag-iwas ko sa kanya. Parang nasasanay na ako na 'di ko siya makita, 'di na siya hinahanap ng paningin ko tuwing nagagawi ako sa DH or sa Gc's Coffee Shop. Good sign, isn't it? "Bal, ikaw na kumatok," utos pa sa akin ni Gab. Tinaasan ko siya ng kilay. Ako ang inaya niya rito tapos naduduwag na naman na harapin si Ashmer. Ano bang meron sa lalaking iyon at takot ang lahat sa kanya? Para namang lulunukin sila ng lalaki. "May bell, Gab. Pinipindot lang 'yan, in case 'di mo alam." Napanguso naman siya. "Ikaw na nga kasi. Kaya nga sinama kita, eh. Baka mamaya ay hindi maganda ang mood ni Boss Robot." "Bakit ako? Ikaw ang hihingi ng misyon, 'di ba?" "Eh di ba hihingi ka rin?" "Oo pero ikaw ang nag-aya." Napakamot naman siya sa ulo niya. May bahid ng pagmamaktol iyon. Sa aming dalawa ay siya talaga ang spoiled brat eh. Sarap isako. Kailan kaya maggo-grow-up ang isang ito? Parang bata. "Sige na, bal, please? Libre kita ng libro." Siniringan ko siya ng tingin at bahagyang pinaliit ang mata ko. "Promise?" Ngumiti siya ng malapad at tumango-tango. Zsss! Alam na alam ang weakness ko, ah? "Promise," aniya pa. Confident naman na lumapit ako sa wall ng pinto at pinindot ng maraming beses ang bell. Tingnan lang natin kung hindi agad lumabas ang tao sa loob. Padarag na bumukas ang pinto. Inaasahan kong sisigawan niya kami pero direkta sa'kin ang tingin niya. "Sinasabi na nga bang ikaw na naman ang may gawa ng pagwawala ng bell ko. Come in," kaswal lang ang pagkakasabi niya at agad na bumalik sa loob. Bakas naman sa mukha ni Gab ang tuwa, nag-thumbs up pa, eh. Tahimik na pumasok kami sa loob. Prente siyang nakaupo sa pwesto niya habang nasa harapan niya naman kami. Napalipat-lipat pa ang tingin niya sa amin ni Gab na tila ba hinihintay na sabihin namin ang aming pakay. Siniko pa ako ng isa at sumenyas na magsalita ako. "Kukuha kami ng misyon," direktang saad ko. Pormal din iyon. "Isahan lang ang misyon na mayroon tayo sa linggong ito." "Ayos lang, boss, kaya ko namang mag-isa," masiglang saad ni Gab. Yabang din talaga ng isang ito. "Bigyan mo kami pareho," saad ko. Tumitig pa muna siya sa akin. "Isang misyon na lang ang natitira." "Sa akin na lang 'yan tutal ako naman ang nauna, 'di ba, Del Pilar?" Parang gusto kong dagukan itong kambal ko dahil sa kahadufan. Isa sa paraan niya para makuha ang isang bagay mula sa akin ay ang pagbanggit niya ng nickname ko na siya ang may gawa. "Ikaw ang nauna pero sino nga ulit ang pumindot ng bell?" "Eh? Marcie naman! Sa akin na lang muna ang misyon, I need money. May pinag-iiponan ako," maktol niya sa akin sa harap mismo ng nyawa naming boss. "Fine, fine," sumusuko kong saad. "Bigay mo na sa kaniya. Mauna na ako," paalam ko pa tsaka tumayo na at walang lingon na umalis ng office niya. Allergy ako sa presensiya niya. Dire-diretso na ako sa flat ko. Binuksan ko ang TV pero 'di naman ako nanunuod talaga. Gusto ko lang ng maingay dahil nakakabingi ang katahimikan. Nang mabagot pa rin ako ay nag-bake na lang ako ng cookies. Nang maluto na iyon at lumamig ay inilagay ko sa dalawang jar at binitbit papuntang sala ang isa, ang isa naman ay nasa kitchen lang. Prente akong naupo sa sofa at kumain. Nakadalawang cookies palang ako nang tila ba pakiramdam ko ay may namimiss akong something. Teka nga, bakit feeling ko may nawawala? Nag-isip ako kung ano iyon. Inilibot ko pa ang paningin ko baka sakaling maalala ko kung ano iyon. Huling dinapuan ng tingin ko ang Glass Cabinet. Libro. Iyon pala ang wala ng bumalik ako rito. Naiwan ko sa sofa na nasa office ni Ashmer. Nasapo ko na lang ang noo ko. Knowing Gab, kahit makita niya iyon ay 'di niya bibitbitin iyon papunta dito sa flat ko. Nagmamadali akong lumabas at tinahak ang daan papunta sa lugar na sigurado akong napag-iwanan ko non. Honestly, I prefer books to men. Books have the power to evoke various emotions, depending on their content. They can make you feel happiness, sorrow, pain, doubt everything, and leave you pondering countless questions. In the end, you gain valuable lessons while your heart remains unscathed. Men, on the other hand... You can indeed learn from them, but when they leave, you're never the same. They depart, leaving behind a broken heart, a melting soul, and unbearable pain. So, I'd rather immerse myself in books than engage with a man who initially does great things to win your attention and impress you, only to eventually discard you like a hot potato. It shatters every part of you, making you feel like you're in hell. Those jerks! I was about to ring his doorbell when I realized I was still holding the jar of cookies. I facepalmed. Thinking about men is so terrible!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD