"Tabi at papasok ako." Bahagya niya pa akong hinawi at pumasok na nga. Naiiling na pumasok na lang din ako at dumiretso sa kitchen at uminom ng tubig. Bumalik ako sa sala at prente na siyang nakahiga sa sofa. "Hoy! Bumangon ka diyan! Hindi ka ba busy at nandidito ka na naman namemerwisyo sa lungga ko?" Bakit ba ang kulit ng lalaking ito? Hindi ba napoproseso ng utak niya ang mga pinagsasabi ko sa kaniya? Hindi niya ba iyon naiintindihan? Nakakasakit ng panga ang lalaking ito. "Ashmer!" "Hmm?" "Bumangon ka nga diyan!" "Bakit ba, Marciella? Matutulog ang tao, eh." "Tao ka pala? Bakit hindi mo naiintindihan na bawal ka sa flat ko, okay?" "Bakit?" Aba'y buwisit ngang tunay! Nagtanong pa daw ba? Jusko! Sarap tadyakan! Tadyankan mo, Marci! Tinadyakan mo nga si Lovimer, eh. Huwag na

