Muling naglayag ang imahinasyon ko patungo sa nakaraang naiintindihan ko kung bakit gano'n ang nangyari. "Bal, aminin mo nga sa akin, inlove ka ba kay Ashmer?" Natigilan naman ako sa sinabi ni Gab. Nasa GaMa CS kami ngayon at kasalukuyang nasa counter ang lalaking tinutukoy niya. "Eh..." "Don't lie to me. You know naman na we hold a strong bond. I have this hunch na ang sagot sa tanong ko ay Oo." Napabuntonghininga naman ako. Wala na akong ligtas sa kanya. Besides, I am always honest in everything and to everyone. "Fine." Nanlaki naman ang mga mata niya. "Oh boy!" Napapikit pa siya. "Di ko sinasadya, Gab, okay? It just happened. I just woke up one day when he owns my heartbeat already." "Oh my! Marci, inlove ka nga. Pero... What about... Percy? Crush niya si Ashmer, alam mo yan."

