CHAPTER 1.2

1059 Words
Bago pa mahalata ng lahat ang frustration sa aking pagmumukha ay lumabas na din ako at dumiretso ng Flat. Tumakbo na rin ako kasi nararamdaman ko na ang panunuot ng lamig sa aking katawan. Mahina pa naman ang tolerance ko sa lamig. Akmang pipihitin ko na ang door knob ng pinto ng flat ko nang may tumawag sa 'kin. "Ell!" Napapikit ako dahil sa boses na 'yon. Naaasar ko siyang nilingon. "Ano?" paasik kong tanong. "Laptop mo," mahinahon niyang saad. Napalunok pa ako nang masaksihan ko kung paano niya sinuyod ang kabuuan ko. Nagtama ang aming paningin. Parang natutunaw ako sa paraan ng kaniyang titig. It's weird, but when we look at each other, it feels like we're cheating on Percylla, and it hurts that I can't clear my own doubts. "Akin na, salamat!" Pagkakuha ko ay agad na pumasok na ako. How can I steer clear of my extremely seductive boss? I have to run fast to escape from him. (⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠) My day turned out fine despite a not-so-great morning. When I got back from MHIS, I thought I'd chill for a bit to clear my mind. I'm also reading a book as part of my relaxation, hence the one in my hand right now. Napaigtad ako nang may biglang tumabi sa akin. Nasa GC Garden ako at isang tao lang naman din bukod sa'kin ang palaging nandidito rin at si Ashmer Guieco iyon. Sa kaniya ito eh, siya nagpagawa nito. Nakiki-share lang naman ako. Wow! Bakit parang pati salitang 'share' ay double meaning na rin? Masyado na yatang toxic itong utak ko, ha? "Nasaan ang phone mo?" panimula niya pa. "Nasa bag ko? Bakit?" tugon ko na nasa libro ang tingin. Wala akong balak na pag-aksayahan siya ng oras at atensiyon. Sana ay hayaan niya na lang muna akong mag-isa. Wala namang rason para pagtuonan pa namin ng atensiyon ang isa't-isa, eh. Pinigilan kong batukan siya nang kinuha niya ang librong hawak ko at itinabi. Kahit kailan talaga ang lalaking ito at napaka-epal. "Kapag kausap o kasama mo ako, dapat nasa akin lang ang atensiyon mo. Hindi sa mga weird na genre mong libro, Marciella Perrer." Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. "At bakit? Boyfriend ba kita at girlfriend mo ba ako, Ashmer Guieco? Hindi naman, 'di ba?" Mga mata niya naman ang nanliit. "Wala akong sinabing gano'n. Puwede bang dalhin mo palagi 'yong cellphone mo. Palagi na kitang iti-text o kaya ay tatawagan." Gusto ko siyang irapan dahil halata namang inaasar niya lang ako. Alam naming pareho na hindi niya gagawin iyon dahil hindi dapat. "Sumasakit ang panga ko sa 'yo. Bakit ba ayaw mo pa akong lumabayan, ah? Paano ako magkaka-love life kapag palagi kang nakabuntot?" "Bawal kang mag-love life hangga't hindi pa kami kasal ni Cylla." "Aba, Unfair mo naman," asik ko sabay irap sa kalawakan habang kinakalma ang nagde-derilyo kong dibdib. "Ikaw nga ay may girlfriend tapos ako bawal? Bawal, your face! Nagpapahanap ng ako kay Kenya ng puwede kong maka-blind date, 'no?" kaswal na dagdag ko dahil ang totoo ay wala naman talaga akong balak at hindi ako interesado sa mga nirereto sa akin ng kaniyang kugtong na kapatid. Napangiwi naman siya. "Sige lang, tingnan natin." "Anong tingnan natin, ha?" Nakakabuwisit talaga ang lalaking ito. "Lahat ng idi-date mo ay padadalhan ko ng death threats," aniya habang sa kalawakan din nakatingin. Napairap na talaga ako sabay hampas sa kaniyang braso. "Abnormal ka talaga! How about isumbong na lang talaga kita sa kay Percylla, ha?" "Isumbong? Samahan pa kita, gusto mo?" Bakit ginaganito mo ako, Ashmer? Nag mo-move-on na ako, eh! Gusto na kitang kalimutan. I seriously want to forget everything about you. Humugot ako ng lakas bago nagsalita. "Tapatin mo nga ako Ash, just be honest this time. Ano ba talaga ako para sa 'yo, ha?" Mataman na tinitigan niya pa muna ako sabay singhap. "Hindi ba at nasagot ko na 'yan? Ayaw mo lang maniwala, eh. Gusto kita." "At sino ang mas matimbang sa 'min ni Percy?" "Siya." Walang alinlangan niyang sagot. Pagak naman akong natawa sabay palatak. "Oh, 'di ba? Kaya layuan mo na ako," mahinahon kong saad. "Mas sexy ka kasi sa kaniya kaya mas matimbang siya sa 'yo." I furrowed my brow as I contemplated his reply in my mind. Is he actually discussing our physical weight? Aish, this jerk! "Umayos ka nga sa mga sagutan mo na 'yan! Hindi nakakatuwa 'yang humor mo!" gigil na singhal ko sabay batok sa kaniya. "Aray ko, ang brutal mo talaga." "Kakainis ka, eh." "Mahal ko si Percy pero ikaw ang gusto ko." Nasapo ko na talaga ang batok ko. Literal na mababaliw yata ako sa lalaking ito. "Alin ba ang mas lamang sa gusto at mahal, Ash? Wag kang ngang utak alimasag diyan! Kawawa ang mga brain cell ko sa 'yo." Tumawa naman siya at umakbay sa 'kin. Nagpumiglas ako pero wala eh mas malakas talaga siya. "Cute mo talagang maasar." Hindi ako cute. Maganda ako. Gandang hindi mo nakikita, zsss! "Ang labo mo kasing kausap." "Ang low gets mo." "Ang complicated mo." "Tsk, ibinigay ko lang sa 'yo ang gusto mong makuhang sagot mula sa akin, Marciella," makahulugan niyang tugon. Hindi naman ako nakaimik. "Hindi ka naman interesado sa totoong nararamdaman ko, 'di ba? You even forced me into this situation." Tila ba tuluyan kong nalunok ang aking dila. May katotohanan naman ang sinasabi niya. Nasa ganito kaming sitwasyon dahil sa aking naging desisyon pero hindi ako nagsisisi. Sacrificing is the sole path to shield Percy from pain. I must guard her heart at any expense, even if it means letting her be with the man we both love. Even if I have to endure pain forever, I can handle it, regardless. "Tsk! Anong gamit mong lotion?" untag niya sa akin. Halatang pilit na iniiba ang usapan. Mas mabuti nga ang gano'n. "Pakialam mo ba?" "Nagtatanong lang, eh." "Secret. Ayaw kong sabihin." Napanguso naman siya at inamoy at nilaro-laro pa ang buhok ko. Gags talaga. Ang hilig niya talagang gawin 'yan sa 'kin. Minsan pa nga ginugulo niya pa ang buhok ko tapos ay susuklayin gamit ang kaniyang mga daliri. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Ang sakit niya sa panga, my goodness!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD