"Pasensya na miss, bawal ang dalaw dito.” Wika nang sundalo sa guard house na sumalubong kay Elleri nang dumating siya sa kampo kung saan naassign si Adrian. Sinabi niyang gusto niyang dalawin ang binata. Three months na mula nang pumasok ito sa military camp. Wala silang naging balita sa binata. Hindi ito tumatawag kahit sa pamilya niya kaya naman nag-aalala na sila. Malapit na ang pasko ni hindi nila alam kung ano nang kalagayan nang binata sa loob nang kampo. Marami siyang naririnig tungkol sa training nang mga sundalo sabi pa masyado daw mahirap ang training. Alam niyang pumasok lang ang binata sa military camp para sundin ang tradisyon ng pamilya nila. At alam niyang wala naman itong passion sa pagsusundalo. Kaya naman ang pananahimik nito sa nakalipas na tatlong buwan ay bagay na

