"Welcome to SELAS.” Masiglang bati nang sales lady kay Chloe ay Elleri nang pumasok sila sa isang tindahan sa mall. Napatingin si Elleri sa paligid. Ito ang unang beses na nakapasok siya sa tindahan nang Brand na ginawa mismo ni Adrian. Naikwento sa kanya ni Chloe na simula nang sumali ito sa basketball team, he opened his owned store. Tindahan nang sports shoes. His brand may not be that famous globally, but locally patuk na patok ang brand niya lalo na at nakikita nang mga fans niya na sinusuot mismo nang binata ang sapatos niya on his every game. Bawat labas nang bagong collection, he wears them. Kaya sikat na sikat sa mga fans niya at sports enthusiast ang mga sports shoes nang binata. “Bibili kayo?” Nakangiting wika ng sales lady na lumapit kay Elleri. Pinasadahan pa nito nang tingin

