Ep - 08

1376 Words

Pilit na ngumiti si Elle sa lalaking sumundo sa kanila mula sa bahay nang mga magulang niya. Halatag gulat ito nang makita ang mukha niyang kasama si Adrian. Masusi itong nakatingin sa kanya at pinasadahan pa siya nang tingin mula ulo hanggang paa bago tumingin sa bahay nila. “What’s this? Kaninong bahay ‘to? I didn’t know lumipat ka nang bahay. I would say this is a downgrade.” Wika nito kay Adrian habang nakatingin sa bahay nila. Napatingin naman si Elleri sa bahay nila saka sinubukang e-process ang sinabi nitong downgrade. Kung titingnan, hindi man kalakihan ang bahay nila. Marangya naman iyon at nasa isang private subdivision sila. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit downgrade ang tawag nito sa bahay nila. Marahil siguro dahil sa sikat na basketball star si Adrian kaya ganoon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD