Hindi maitago ang gulat sa mukha ni Dillon at Chloe nang lumabas sa silid nila at makita si Adrian na natutulog sa sofa. Mukhang hindi na resolba ang away nang mag-asawa nang nakaraang gabi at sa labas natulog si Adrian. Napatingin sila sa kusina at nakita si Elleri na naghahanda nang almusal nila. “Tita anong nangyari? Bakit nasa labas si tito Adrian?” tanong ni Dillon sa tita niya na lumapit dito. “Maupo na kayo para makapag-almusal baka malate tayo sa school.” Wika nang dalaga. “May pinag-awayan na naman ba kayo?” tanong ni Chloe saka naupo. “We always quarrel. Wala nang bago doon.” Wika nang dalaga. Mula sa sofa, naririnig ni Adrian ang usapan nang tatlo. At kahit na hindi pa niya gustong bumangon hindi rin naman siya makakatulog kung ganoon naririnig niya ang usapan nang mga ito

