“Let’s go home.” Wika ni Adrian nang sumakay sa kotse at tumingin kay Elleri ngunit nang tumingin siya sa asawa nakita niyang nakahilig ang ulo nito sa headboard at nakapikit ang mga mata. “Natutulog ka na ba?” Tanong nang binata kay Elleri. Hindi naman sumagot ang dalaga. Lihim na nakakuyom ang kamao niya dahil sa nakita. Kahit naman sabihing hindi siya gusto ni Adrian. Hindi naman iyon dahilan para ipakita nang mga ito sa kanya kung paano sila maglampungan. Ni Hindi na nila inaalala na may kasama nila. Nang hindi sumagot si Elleri, binuhay ni Adrian ang makina nang sasakyan saka pinaandar. Nang dumating sila sa building nang condo unit ni Adrian. Mabilis na bumaba nang sasakyan si Elleri at hindi na pinansin si Adrian dahilan para mabigla ang binata. Marahan niyang ginising sina Chloe

