"Aster?” Takang wika ni Adrian nang dumating sa isang bar kung saan Nakita niya si Aster na lasing. Isang waiter sa bar ang tumawag sa kanya at sinabi ang kinaroroonan ang dalaga. Ang club na iyon ay dinadayo nang mga artista. Nabigla pa ang binata nang matanggap ang tawag mula kay Aster at lalaki ang kausap niya sa kabilang linya. Sinabi din nito kay Adrian na nag-aamok ang dalaga at inaaway ang ibang customer. Siya ang tinawagan nang waiter dahil sa cellphone ni Aster siya ang nasa number 1 sa speed dial. At buong gabi ding pangalan ni Adrian ang binabanggit nang dalaga. Bukod doon, alam naman nilang lahat na malapit sila ni Aster. “Adrian, nandito ka. Hindi ako nananginip di ba.” Wika nito at lumapit sa binata dahil sa kalasingan nito kaya naman bumagsak ito patungo kay Adrian Mabuti n

