Biglang natigilan si Elleri at ang limang mga estudyanteng kasama niya nang bigla silang salubungin nang mga reporter nang lumabas sila nang basketball court. Kasalukuyang nagsasaya ang team nina Adrian sa loob nang court dahil sa kanilang panalo nang gabing iyon. Naisip ni Elleri na sa sasakyan na nila hintayin si Adrian. Kaya lang kakalabas palang nila nang arena. Bigla silang sinalubong nang mga reporter. Lahat nagtatanong kung anong masasabi niya sa sinabi ni Adrian. Kung may komento ito sa sinabi nang asawa. At sa mga balitang tungkol kay Aster at Adrian. Ilang beses na umiwas si Elleri sa mga ito pero panay ang sunod sa kanya nang mga reporter. Habang umiiwas si Elleri sa mga camera na nakasunod sa kanya naramdaman niya ang kamay nan humawak sa kamay niya kasunod ang mabilis na pag

