"Elle---” putol na wika ni Adrian nang makitang pumasok si Elleri sa loob nang arena. Alam niyang natama ang mga mata nila nang dalaga but did she just pretended she did not see him? Ngayon lang, parang inirapan siya nang asawa. Mukhang galit pa rin ito sa kanya. Kanina lang nalaman niya ang tungkol sa ginawa ni Aster. At may hinala siyang napanood iyon ni Elleri. Ang hindi niya maintindihan kung bakit ayaw siyang kausapin ni Elleri at klaruhin ang bagay na iyon. “Bakit LA?” Tanong nang ka teammate nang binata saka napatingin sa Stand sa itaas nang bench nila kung saan nakaupo ang mga miyembro nang team nina Dillon. Nandoon lahat nang miyembro nang Team kasama si Norman at Elleri. Inimbitahan sila ni Adrian na manood nang game at ito pa mismo ang gumastos para sa ticket nila. Sabi nito tr

