"Miss Elleri?” salubong nang isang lalaki kay Elleri. Kasama niya noon si Chloe at Dillon habang papasok sila sa Stadium. Natigilan ang dalaga nang makita ang lalaking sumalubong sa kanya. nasa likod din nang lalaki ang isang babae. Agad namang nakilala ni Elleri ang lalaking sumalubong sa kanya. Ito ang manager ni Aster. Ang pinagtataka niya, bakit naman siya nito sasalubungin? “I’m Jordan, Manager ni Aster.” Wika nito saka inilahad ang kamay sa dalaga. “Nice to meet you. May maitutulong ba ako?” anang dalaga at tinanggap ang pakikipagkamay nang lalaki. Agad ding binitawan nang lalaki ang kamay niya. Saka nagtaas nang kilay. Simpleng napakunot nang noo si Elleri sa naging reaksyon nang lalaki sa kanya. “Gusto ka sanang makausap ni Aster. Pwede bang sumama ka sa amin?” Wika nito sa dala

