"What happened?” Tanong ni Adrian kay Aster nang dalhin niya sa isang bahagi nang stadium ang dalaga na walang masyadong tao and even camera. He has to make sure walang makakakita sa kanila. Gusto niyang malaman mula kay Aster kung anong pinaplano nito. “What do you mean, what happened?” Maang na wika ni Aster. “Ester. Hindi mo kailangang magpanggap tayong dalawa lang ang nandito. Alam kung alam mo ang ibig kong sabihin. Gusto kong malaman kung anong nangyari? Bakit ka nagpa interview nang hindi ko alam. What’s with this engagement. Wala naman tayong napag-uuspaan tungkol dito.” Wika nang binata. “Nagagalit ka ba?” malambing na wika ni Aster saka hinawakan ang braso ni Adrian at hinimas. “Naisip ko lang naman na. Matagal na tayong magkasintahan. I know, I rejected your offer of marriag

