“She is married.” Wika ni Adrian dahil sa labis na inis. Pero bakit naman siya naiinis sa tanong nito? Diba dapat matuwa siya dahil may nakakapansin kay Elleri. Pero sa loob loob nang binata ayaw niyang may ibang lalaking tumitingin kay Elleri. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. “That’s a shame.” Wika nito sa binata. “Oh. Nandito ulit si Aster.” Biglang wika nito nang muling lumabas sa big screen ang mukha ni Aster mukhang nasa audience stand na naman ito at nanonood nang laro. Nang mapansin niyo ang camera sa direksyon niya agad iyong kumaway at ngumiti. “Ang swerte mo naman nanood ang kapatid mo at ang babaeng pinakamamahal mo nang games mo.” Wika nang isa. Napatingin naman si Adrian sa monitor saka napangiti nang makita si Aster. Isang panalo na naman para sa kupunan nina Ad

