"Wow! Manghang wika ni Dillon nang pumasok sila sa loob nang basketball arena. Kasama niya si Elleri at Chloe para manood nang laro nina Adrian. Ito ang unang beses niyang pumasok sa isang basketball arena at magkapanood nang isang live na basketball game. Dati-rati sa cell phone lang siya na nonood at patago pa dahil ayaw nang papa niya nang sports gusto nitong mag focus lang siya sa academics. “Ito ba ang unang beses na nakapunta ka dito?” Tanong ni Chloe sa binata habang binabaybay nila ang daan patungo sa upuan nila sa second floor nang arena. Nasa itaas lang sila nang bench nang team nina Adrian. Manghang-mangha si Dillon sa dami nang tao sa loob nang arena lalo na nang makita ang mga banner na may pangalan ni Adrian. Mukhang majority nang mga nandoon ay mga fans ni Adrian at karamih

