"Raphael.” Wika nang isang estudyante sa binatang nakatungo ang ulo sa desk ito at tila natutulog. Nang pumasok ang head teacher nila sa classroom nila kasama ang isang dalaga. Agad na nakilala ng binata ang kasama nito dahilan para gisingin nito ang binatang natutulog. “Bakit ba?” aboridong wika nito saka nag-angat nang ulo. “Hindi ba siya ang babae kanina?” gulat na wika nito habang nakatingin sa dalagang nasa harapan nila. Napatingin naman si Raphael sa tinutukoy nang kaibigan. Bigla siyang napaayos sa pagkakaupo at napatiim bagang nang makilala ang dalaga. Ito ang dalagang umawat sa kanila kanina. Ang dalagang unang beses na kumalaban sa kanya. Kahit sino sa paaraalang iyon tumitiklop kapag nalamang anak siya nang chairwoman. No one dares to cross him kapag nalamang anak siya nang

