"Good morning!” masiglang bati ni Elleri kay Adrian nang bumaba ito mula sa silid niya. Taka namang napatingin ang binata sa asawa at sa kapatid niyang nasa comedor. Isang linggo na si Elleri sa bahay niya pero ngayon lang siya nito ipinaghain nang nag agahan. “Good morning kuya.” Wika ni Chloe na tumayo sa kinauupuan saka lumapit sa kapatid niya at hinalikan ito sa pisngi. “Anong meron?” takang tanong nang binata habang nakatingin sa dalagang naghahanain nang almusal nila. Napatawa ito nang mahina dahil sa naging reaksyon niya. “Well, I’ve prepared breakfast for us.” Wika nang dalaga saka hinila ang upuan para kay Adrian. Napakunot naman ang noo nang binata habang nakatingin sa dalaga. Takang napatingin si Adrian sa kapatid niyang nakagiti habang kumakain. “May nangyari ba?” tanon

