"Oh? Bakit nandiyan kayong lahat?” tanong ni Elleri sa mga kasamahang guro nang pumasok sa faculty room at makita ang mga ito na nakatambak sa isang sulok kung saan naroon ang TV. Nang marinig nang isang binatang guro ang boses ni Elleri agad nitong nilingon ang bagong dating. “Ma’am Elleri, dumating kana pala, tingnan mo nasa TV na naman ang Sikat na basketball star na si LA Sutherland. Kagabi nanalo sila sa quarter finals nang playoffs. Ibig sabihin pasok na sika sa Semi-finals. Kapag nagtuloy-tuloy tiyak pason na naman ang team nila sa finals. High chance, na sila na naman ang magiging champion.” Excited na wika nang guro at umiwas mula sa harap nang TV. Agad anamang napatingin si Elleri sa TV. Doon, nakita niya ang interview ng binata sa katatapos lang na quarter finals game. At gaya

