Habang nasa faculty room si Elleri, napansin niyang biglang tumunog ang cell phone niya. Nang tingnan niya ang caller iD na nakaregister. Pangalan at mukha ni Adrian ang nakita niya. Mabilis siyang napatingin sa paligid, para masigurong walang ibang tao sa loob nang faculty room, Kasalukuyang nasa lunch ang mga guro. Habang siya naman ay may tinatapos na report. Agad niyang kinuha ang cell phone niya at sinagot ang tawag muka kay Adrian. “Adrian? May nangyari ba?” Tanong nang dalaga nang sagutin ang tawag mula sa binata. “Hi din.” Nakangiting wika ni Adrian nang marinig ang tanong nang dalaga. “Kailangan bang may mangyari para tawagan kita?” Tanong nang binata na hindi matanggal ang ngiti sa labi. “No, I don’t mean that way. You don’t normally---This is the first time you’ve called me

