Dumating na ba ang ate Elle mo?” Tanong ni Adrian kay Chloe na nasa sala at nag-aaral. Napatingin naman si Chloe sa kuya niya. Ilang sandali din siyang tinitigan nito. Na para bang may nais sabihin. “Well?” tanong ni Adrian nang mapansina ang tingin nang kapatid niya. “Dumating na siya, pero na mumugto ang mga mata.” Wika nang dalaga bigla namang natigilan si Adrian. Dahil kaya hindi siya nakasipot sa usapan nila? Hindi naman niya sinasadya na hindi makasipot sa usapan nila. Papaalis na sana siya noon nang biglang dumating si Aster. Nakita niyang malungkot ang dalaga. Sinabi ni Ester sa kanya na malungkot ito at dahil sa malungkot ang dalaga kaya kailangan niya itong samahan. Hindi siya kaagad nakaalis dahil sa hinintay pa niyang kumalma si Ester. Hinintay din niyamg makatulog ang dala

