Eunice Camille Salvatore
"Lucas please stop. Meron si Kim sa buhay mo. Ayaw kong guluhin ang buhay niyo. Sana ang meron nalang sa atin ay ang pagiging ama mo sa anak natin" tinanggal ko ang pagkakayakap sa kanya at bumaba na pero nagulat ako nang sumunod pa rin ito sa akin
"Let me cook for you. Gusto kong pagsilbihan ang mag-ina ko" umupo nalang ako sa may upuan at pinapanood siya sa ginagawa niya. "Matunaw ako Eunice" namula naman ako sa sinabi niya. Kaya iniwas ko ang tingin ko. This is frustrating
"Eunice. I'm sorry" nang sabihin niya yun ay parang bumigat ang pakiramdam ko. "Sorry? Matagal kong hinintay na marinig yan sayo Lucas. Sobrang tagal na rin. Noong mga panahon na kailangan kita kasama mo si Kim because you cheated. After all this pain ngayon mo lang sasabihin ang sorry mo. Its very late Lucas" pinipigilan kong maluha dahil naa-alala ko ang mga pinagdaanan ko na wala halos gustong tumulong sa akin
"I'm sorry Eunice. Please forgive me. Forgive me when I wasn't by your side when you're pregnant. I'm sorry when you need me the most. I'm sorry for cheating you but my feelings for you was true" sumisikip na ang dibdib ko sa mga sinasabi niya. Nagulat naman ako nang bigla itong pumunta sa harapan ko at niyakap ako. Kay tagal ko itong hinangad pero tinulak ko siya "Mama I'm hungry po"
"Sige baby. Magluluto lang si papa" tumango naman ito sa kanyang ama kaya tumayo na rin ako at iginayak si Light pabalik sa kwarto. "Light behave ka tomorrow okay? May meeting si mama kasama si papa kaya doon ka muna sa cubicle ko bukas manood ng youtube okay?" Tumango naman si Light saka humiga sa higaan. Tinabihan ko naman ito
"Light. I love you baby" niyakap naman ako ng anak ko at hinalikan sa pisngi. "I love you too mama. Love mo rin po ba si papa?" Naluha naman ako. Napaka-sensitive ko naman kay Lucas. "Love ko si papa mo baby pero may love na iba si papa mo. Let's not talk about this baby. Where do you want to celebrate your birthday?" Tumingin sa akin si Light na nagnining-ning ang mga mata
"Mama I want to go to amusement park kasama si papa, ikaw, at mamita" napaisip nalang ako dahil marami pa akong gastusin at wala pang sahod. Sasabihin ko na sana na next time nalang ng may nagsalita "Sure. Let's go to the amusement park on your birthday" napatayo nalang ako
"Let's eat. Luto na ang pagkain" bumaba naman na kami at nagulat naman ako dahil puro fastfood ang pagkain "I'm sorry. Nasunog lahat ng niluto ko. Gutom na rin si Light so making it again will take time" tumango nalang ako at inayos ko nalang para makakain na rin si Light
"Papa. Mama loves you but why papa loves other girl?" Nakita ko namang nagulat si Lucas at napalitan ng lungkot ang mga mata niya "Anak. Mahal ko ang mama mo. You're too young to know this young man. Aren't you happy that you met me?" Ngumiti naman ang anak ko at niyakap ang ama
"Ofcourse I'm happy" matapos ang dramahan sa lamesa ay natapos na rin ang gabi. Hindi na kami nag-usap pa ni Lucas. Dumating ang umaga ay nakapalit na kaming lahat at nang mauuna na sana kaming lumabas ay pinigilan kami ni Lucas "Sumabay na kayo sa akin papasok sa opisina Eunice" pero umiling ako
"Hindi pwede sir. Sa office ikaw po ang boss ko at empleyado mo lang ako. Hindi magandang tignan na kasama mo ako at ng anak ko. I'm sorry" aalis na sana kami ng hindi ito nagpatinag kaya nauna niyang kinuha si Light papasok sa sasakyan at sunod naman niya ako binuhat
"Ibaba mo ako Lucas" instead of putting me down ay mabilisan niya akong hinalikan. "Sasabay kayo sa akin" hindi na ako nakaimik hanggang sa byahe dahil sa ginawa niya. This is so wrong Eunice. Wag mo ng laliman pa ang pagtingin mo sakanya dahil sa huli ikaw rin ang kawawa "By the way Eunice. Why do you always wear black?"
I always wear black because it means I'm alone excluding my son. No one helped me whenever I need help. No one was there by my side whenever I need them. I learned to stand alone and live my life alone and it all started when you cheated on me "Why do you care?" nang sabihin ko yun ay hindi na ito umimik hanggang sa makarating kami sa gReekTech
"Sir Lucas the meeting will start at 9:00am" bungad ng secretary niya kaya umalis na rin ako at pinuntahan ang kagrupo ko for the updates "May presentation tayo later kay Boss together with the client. Okay na ba?" Cold kong sabi. Sanay na sila sa ganitong pakikipag-usap ko sakanila
"Eunice may konting problema lang kami. Hindi namin maisipan ng mas magandang function ang isang ito" lumapit naman ako kay Clyde at hinarap sa akin ang monitor. Wala pang 3 minutes ay nagawa ko na ang function at gumagana na ito "Wow bakit hindi natin naisip yun Stefen?" Nag-uusap na yung dalawa nang puntahan ko naman si Candy
"Okay but not too much colorful. We'll stay with 3 colors only" tumango naman ito saka nag-umpisa ayusin ang system. Lumipat naman ako kay Mariel at kita ko namang trinatry niya ang best niya na gawin ang task niya kaya iniwan ko naman na siya. Pero bago ako makaalis ay nakaramdam ako na may humawak sa damit ko kaya nilingon ko ito. Si Mariel
"Help?" Tinanguan ko nalang siya saka siya nilapitan at tinignan ang screen. Binigyan ko lang siya ng isang line of code kaya napagana na niya "Guys be ready okay? In 10 minutes please proceed sa conference para maayos na" sabay-sabay naman nila ako tinanguan.
This project is big. I need this too to support my family. Agad kong binuksan ang laptop ko at tinuloy ang pag-polish ng isang page na ginagawa ko.
"Eunice. Where is Light?"